Dennis Trillo, never daw binilhan ng bulaklak si Jennylyn Mercado

Dennis Trillo, never daw binilhan ng bulaklak si Jennylyn Mercado

- Naibahagi ni Dennis Trillo sa kanyang TikTok video ang aniya'y dahilan kung bakit never niyang binilhan ng bulaklak si Jennylyn Mercado

- Sa kanyang binahaging video ay pinakita niya ang lugar na gusto daw sana niyang pagdalhan sa kanyang misis

- Gayunpaman, maraming bulaklak sa lugar na kanyang pinuntahan kaya mabuti na lang daw at hindi nakasama si Jennylyn dahil may allergy ito sa bulaklak

- Sagot naman ni Jennylyn, mabuti na lang at hindi siya sumama dahil aniya ay ikakamatay raw pala niya sakaling nakasama siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Dennis Trillo ang magandang lugar na kanyang napuntahan kung saan gusto daw sana niyang dalhin ang kanyang asawang si Jennylyn Mercado. Gayunpaman, mabuti daw at hindi niya naisama ito dahil maraming bulaklak doon at may allergy si Jen sa mga bulaklak.

Read also

Alden Richards sa KathNiel breakup: "They deserve the space that they need to go through"

Dennis Trillo, never daw binilhan ng buaklak si Jennylyn Mercado
Dennis Trillo, never daw binilhan ng buaklak si Jennylyn Mercado
Source: Instagram

Ito daw ang dahilan kung kaya never niyang binilhan ng bulaklak si Jennylyn.

Sagot naman ni Jennylyn, mabuti na lang at hindi siya sumama dahil aniya ay ikakamatay raw pala niya sakaling nakasama siya.

Buti nalang di kami sumama ikakamatay ko pala diyan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jennylyn Mercado ay isang Kapuso actress na nakilala matapos niyang manalo sa talent search na Starstruck ng GMA-7. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang isang mang-aawit, recording artist at product endorser. Sa kabila ng kanilang nakaraan, maganda ang relasyon ni Jennylyn sa asawa ng kanyang ex na si Patrick na ama ng kanyang anak na si Alex Jazz. Kaya naman marami ang natutuwa sa mga bonding moments nila na ibinabahagi nila sa social media.

Ayon kay Jennylyn, malapit na siyang magbalik sa showbiz matapos ang kanyang pamamahinga dahil sa kanyang panganganak kay Baby Dylan. Sa panayam ni Nelson Canlas kay Dennis Trillo ay binati ni Jennylyn ang reporter kaya sinabihan niya ito na bumalik na sa trabaho. Matatandaang kinailangang itigil ng aktres ang kanyang taping sa seryeng "Love. Die. Repeat." Pinayagan naman siya ng GMA na ipagpatuloy na lamang niya ang naturang serye kapag pwede na siyang magtrabahong muli.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Kinaaliwan ang TikTok video ni Dennis Trillo kung saan nag-lip sync siya ng awiting Ikaw Lang Ang Aking Mahal. Makikitang may hawak siyang gitara at todo-bigay sa pagkanta nang biglang bumukas ang pinto. Nakatingin lang si Jennylyn Mercado sa kanyang asawa na tuloy lang sa pag-emote sa kanyang pagkanta. Nang mapalingon si Dennis ay nabigla siyang makita si Jennylyn na nakatingin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel