Kim Chiu, aminadong nahirapang mag-perform sa ASAP dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal

Kim Chiu, aminadong nahirapang mag-perform sa ASAP dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal

- Aminado si Kim Chiu na hindi naging madali para sa kanya na mag-perform nitong Linggo sa "ASAP" dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal

- Gayunpaman, aniya ay alam niyang hindi matutuwa si Deo kung hindi siya makakadalo sa 29th anniversary ng "ASAP"

- Ito umano ang isa sa unang mga projects ni Deo at malaki ang pasasalamat ni Kim sa "ASAP"

- Dahil daw sa "ASAP" ay natuto siya ng maraming bagay mula sa pagsayaw hanggang sa pagho-host

Pinili ni Kim Chiu na dumalo pa rin sa ASAP nitong Linggo kahit aminado siyang hindi naging madali para sa kanya dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal. Aniya, alam niyang hindi matutuwa si Deo pag hindi siya dumalo sa ASAP sa pagdiriwang nito ng 29th anniversary.

Kim Chiu, aminadong nahirapang mag-perform sa ASAP dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal
Kim Chiu, aminadong nahirapang mag-perform sa ASAP dahil sa pagpanaw ni Deo Endrinal
Source: Instagram

Ayon pa kay Kim, ito daw ang isa sa mga unang projects ni Deo sa ABS-CBN.

Read also

Kathryn, umano'y di muna gagawa ng proyekto kasama si Daniel ayon sa source ni Cristy Fermin

Pinagpapasalamat niya sa ASAP ang pagkatuto niya sa maraming bagay kabilang na sa larangan ng pagsasayaw at pagho-host.

I started na parehong kaliwa ang paa ko, but ASAP didn’t give up on me; singing is not my jam too, and hosting na masakit sa tenga ako magsalita. But 17 years later, I’m still here performing and celebrating 29 years of excellence and world-class performance, along side with the best of the best in the industry.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Makikita din sa binahagi niyang video ang pagiging emosyonal ni Kim.

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng You.

Read also

Billy, bumisita sa It's Showtime; may emosyonal na birthday wish kay Vhong Navarro

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan sina Kim at Vic Sotto sa vlog ni Kim kung saan game na sinagot ni Bossing ang mga tanong ni Kim. Marami ang natuwa sa mga hirit at palitan ng joke ng dalawa na sa unang pagkakataon ay nagkasama. Matapos ang kanilang game ay nag-book si Bossing ng mga delivery riders para mabigyan ng biyaya. Dahil sa nakakaaliw na video nila ay maraming mga netizens ang gustong magkatrabaho ang dalawa sa pelikula.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel