Billy, bumisita sa It's Showtime; may emosyonal na birthday wish kay Vhong Navarro

Billy, bumisita sa It's Showtime; may emosyonal na birthday wish kay Vhong Navarro

- Muling bumalik sa "It's Showtime" si Billy Crawford para sa kaarawan ni Vhong Navarro

- Kasama niya si Luis Manzano na matatandaang kapwa miyembro niya ng 'Kanto Boys'

- Nagbigay din ng emosyonal na mensahe si Billy sa kanyang Kuys Vhong

- Matatandaang si Billy ay bahagi rin ng "It's Showtime" subalit nilisan ang programa noong 2018

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling napanood sa It's Showtime si Billy Crawford na bumisita sa programa para sa kaarawan ni Vhong Navarro.

Billy, bumisita sa It's Showtime; may emosyonal na birthday wish kay Vhong Navarro
Billy, bumisita sa It's Showtime; may emosyonal na birthday wish kay Vhong Navarro (ABS-CBN News)
Source: Youtube

Nagbigay din ito ng emosyonal na mensahe para sa kanyang Kuys Vhong na aniya'y malapit talaga sa kanyang puso.

"Personally, alam na alam naman ni Kuys Vhong 'yan. Gaano ko siya kamahal. Kahit saan, kahit anong mangyari, sa mga bagay na mga nangyayari ay nandito lang ako. Alam mo naman 'yun. Naalala ko, hindi ko makalimutan na kami habang nandito pa ko sa Showtime, nagsisimba kami ni Vhong habang on-going yung Showtime. So habang may ibang segment dito, hinding-hindi ko makalimutan, 'yung prayer time namin ni Vhong sa simbahan. It was really a different experience. Vhong, remember, always be humble. Thank you sa pagiging totoo mong kaibigan sa lahat ng mga kasamahan mo, nandito lang kami para sa'yo. More success, more love, and more care and gabayan ka pa sana ng panginoon. 'Love you Kuys."

Read also

Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"

Bukod kay Billy, naroon din si Luis Manzano na kasama nila dati sa grupong 'Kanto Boys.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi man nakarating si John Lloyd Cruz na orihinal na kasama nila sa nasabing grupo, naroon naman si Joshua Garcia at si Pepe Hererra.

Narito ang kabuuan ng video mula sa ABS-CBN News:

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Read also

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Samantala, taong 2023 kung saan pinakaabangan ng lahat ang mensahe ni Vice Ganda sa ginanap na contract signing ng kanyang It's Showtime family sa GTV. At nito lamang Hulyo 1, isang bonggang opening number ang hinandog ng kanilang programa bilang first episode na mapapanood sila sa GTV..

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel