Kalahok sa It's Showtime, binanggit ang 'Wowowin': "Bigyan ng jacket yan!"

Kalahok sa It's Showtime, binanggit ang 'Wowowin': "Bigyan ng jacket yan!"

- Kinaaliwan ang isang kalahok sa Me Choose Me Choose segment ng 'It's Showtime' matapos nitong banggitin ang 'Wowowin'

- Nagkatawanan ang mga host dahil dito at binigyan ng jacket ang kalahok na si Rissa

- Agad na binigay ni Ion Perez ang jacket niya at sumayaw si Jacky Gonzaga nang tawagin ni Vice Ganda si Luningning

- Biro pa ni Vice Ganda, unti-unti daw nilang sinusundo ang pika niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang kalahok sa Me Choose Me Choose segment ng 'It's Showtime' ang nagbanggit ng programang 'Wowowin.' Agad namang sinakyan ng host ang sinabi niyang ito at binigyan siya ng jacket.

Kalahok sa It's Showtime, binanggit ang 'Wowowin': "Bigyan ng jacket yan!"
Kalahok sa It's Showtime, binanggit ang 'Wowowin': "Bigyan ng jacket yan!"
Source: Youtube

Hindi mapigilang magtawanan ng mga host dahil dito. Tinawag pa ni Vice Ganda si Luningning at pumagitna si Jacky habang sumasayaw ala Luningning.

Biro pa ni Vice Ganda, unti-unti daw nilang sinusundo ang pika niya. Binawi din niya ito at sabi niya ay okay lang at kaibigan nila ang nasa show na iyo. Binati nila si Kuya Wil sa maturang episode.

Read also

Vice Ganda, pinasaya ang staff ng It's Showtime sa kanyang maagang pamasko

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'. Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation. Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel