Papi Galang at Mari Fowler, nagkasagutan dahil sa mga anak ni Papi

Papi Galang at Mari Fowler, nagkasagutan dahil sa mga anak ni Papi

- Nagkasagutan sina Papi Galang at Mari Fowler sa pinakabagong episode ng reality show ng ToRo fam na binahagi ni Toni Fowler

- Sinubukasn kasi ni Papi na dalawin ang kanyang dalawang anak na nasa pangangalaga ni Mari

- Gayunpaman, pinagbawalan siya na puntahan ang mga anak niya dahil ani Mari ay iniisip niya ang kaligtasan ni Papi lalo at nasa maselang bahagi pa ito ng kanyang pagbubuntis

- Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagkataasan ng boses sina Mari Fowler at Papi Galang matapos subukang puntahan ni Papi ang kanyang mga anak na nasa pangangalaga ni Mari. Pinaliwanagan siya ni Mari na ayaw niyang mahawaan siya ng sakit lalo at delikado ito sa kanyang pagbubuntis na kasalukuyang nasa first trimester.

Read also

Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"

Papi Galang at Mari Fowler, nagkasagutan dahil sa mga anak ni Papi
Papi Galang at Mari Fowler, nagkasagutan dahil sa mga anak ni Papi
Source: Youtube

Sinubukan ni Mari na paliwanagan si Papi na saka na lamang niya dalawin ang anak kapag magaling na siya.

Gayunpaman, ang naging dating nito kay Papi ay pinagdadamot ang kanyang mga anak sa kanya. Dahil dito ay hindi na rin nakapagtimpi si Mari at nakapagsalita na rin kay Papi.

Sinubukan naman ng partner ni Papi na si Harvey na kumbinsihin ang asawa na umuwi na lamang at aniya ay may punto naman ang ate Mari nila.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinubukan namang paliwanagan ni Toni si Papi na iniisip lang ng kanyang ate ang kaligtasan nilang mag-iina.

Si Charisse Galang o mas kilala bilang si Papi ay isang content creator sa Pilipinas. Nakilala siya dahil kay Toni Fowler na isa ring social media influencer sa Pilipinas. Mas lalong naging matunog ang pangalan ni Papi online dahil sa kanyang anak na si Baby Hapi na labis ang pagbibigay saya sa mga manonood ng vlogs ng Toro family.

Read also

Claudine Barretto, naniniwalang bad influence ang kasalukuyang karelasyon ni Raymart Santiago

Nito lamang Hulyo, masayang ibinahagi ni Papi ang kanyang pagsilang sa ikalawa niyang baby na si Yabi. At kamakailan lamang ay inanunsyo rin niyang muli siyang nagdadalang-tao sa kanyang baby number 3.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel