Michelle Dee: "For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic"
- Nagpasalamat si Michelle Dee sa matinding suporta na kanyang natanggap mula sa mga Pilipino
- Ito ay sa kanyang pagsabak sa Miss Universe 2023 kung saan nakapasok siya hanggang sa Top 10
- Ani Michelle, nanghihinayang siya na hindi siya nakahawak ng mikropono dahil ito ay kanyang pinaghandaan
- Ang kanyang tinutukoy ay ang huling round ng kompetisyon kung saan lima ang napili para sumagot sa Q&A at nabigyan ng pagkakataon para masungkit ang korona
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Pinasalamatan ni Michelle Dee ang lahat dahil sa suportang kanyang natanggap sa kanyang pagsalang sa Miss Universe 2023 pageant. Aniya, nanghihinayang siya na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makahawak ng mikropono.
Pinaghandaan niya umano ang pagsagot sa Q&A para walang butas sakaling mabigyan siya ng pagkakataon. Gayunpaman, aniya ay ganun daw talaga ang kapalaran.
"For Q and A, sayang hindi ako nakahawak ng mic, but if anything just know that I was training the whole year to make sure that if ever I had that moment walang butas".
Nabigo mang makasali sa Top 5, todo-puri at pagbati pa rin ang karamihan kay Michelle Dee dahil sa kanyang pinamalas na husay sa naturang kompetisyon.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Maging ang mga taga-showbiz ay nanghinayang na hindi siya nakapasok sa Top 5 pero anila ay dinala at itinaas ni Michelle ang bandila ng Pilipinas sa kanyang mahusay na performance.
Ani Michelle, hindi man nasungkit ang korona, nagpapasalamat siya na nangibabaw ang bayanihan ng mga Pinoy na ramdam niya sa mga suporta sa kanya.
Si Michelle Marquez Dee ay isang beauty queen sa bansa na siyang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant na gaganapin sa El Salvador. Siya ay anak ng kilalang aktres at Miss International 1979 na si Melanie Marquez.
Naging agaw eksena kamakailan ang pagpapakilala ni Michelle sa pre-pageant ng 72nd Miss Universe dahil sa halip na Philippines ang sabihin nito para sa kinakatawang bansa, "Filipinas" ang kanyang ginamit.
Marami din umano ang napa-wow sa national costume ni Michelle para sa naturang pageant na tila isang eroplano na sumasalamin umano sa magagandang destinasyon at katangian ng Pilipinas at mga Pilipino. "Resilient, radiant at ready to embrace the Universe" ang sinasalamin ng national costume ni Michelle.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh