Jean Garcia, mas malaki umano ang kita sa Japan ngunit mas pinili pa rin noon ang "Pangako Sa'yo"

Jean Garcia, mas malaki umano ang kita sa Japan ngunit mas pinili pa rin noon ang "Pangako Sa'yo"

- Naikwento ni Jean Garcia nasa Japan na siya umano noon nang ibigay sa kanya ang role na Madam Claudia sa "Pangako Sa'yo"

- Aminado siyang mas mataas sana ang kita niya noon kumpara sa gagawing teleserye

- Ngunit tinanggap pa rin niya ito at wala umanong pinagsisihan dahil sa pagtangkilik ng publiko sa serye

- Isang rason din umano kung bakit niya tinanggap ang role ay upang mas madalas na makasama ang kanyang anak na si Jennica

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Jean Garcia sa panayam sa kanya ni Karen Davila ang tungkol sa pagtanggap niya ng iconic role na Madam Claudia sa Pangako Sa'yo noong 2000.

Jean Garcia (@chic2garcia)
Jean Garcia (@chic2garcia)
Source: Instagram

Ani Jean, malaki ang kita niya noon sa Japan kumpara sa pag-aartista rito sa Pilipinas.

Kaya naman aminado itong nagdadalawang-isip noon kung tatanggapin ba ito.

Read also

Jennica sa hiwalayan nila noon ni Alwyn: "Parang ako na po 'yung problema after nung one year"

"Eto pag-usapan natin yung Pangako Sa'yo. Year 2000 yan, tinawagan nila ako sa Japan asking me to go back to do a serye. So siyempre interesado ako kasi siympre na-miss ko e. Dalawang taon mahigit e walang work kaya ako nagtrabaho sa Japan. Medyo nagustuhan ko siya pero honestly nung time na yun, mas malaki yung kikitain ko sa Japan kesa yung kikitain ko as artista dito nung Year 2000."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Pauwi na ako nagdasal ako. Sabi ko Lord bigyan mo ako ng sign. Kasi medyo nagdadalawang isip pa ako... E ang gusto nila kumbaga bibigyan nila ako ng 48 hours para sumagot kung tatanggapin ko or hindi yung Pangako sa'yo as Madam Claudia."

"It doesn't matter basta ano, nandito ka. Tanggapin mo kasi gusto kitang kasama," ani Jean na sinabi umano noon ni Jennica sa kanya.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bagong bahay sa Batangas

Narito ang kabuuan ng panayam kina Jean at Jennica Garcia mula Karen Davila YouTube.

Si Jean Garcia ay isang aktres sa Pilipinas. Kilala siya sa mga iconic roles tulad ng Madam Claudia sa teleseryeng Pangako Sa'yo at Miss Minchin sa pelikulang Sarah ang Munting Prinsesa. Sumunod sa yapak niya sa pag-aartista ang anak na si Jennica Garcia na kasalukuyang kabi-kabila ang proyekto sa ABS-CBN.

Samantala si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya. Ayon kay Jennica, dalawang taon na umano siyang single mother ng kanyang dalawang anak.

Ngayon, isa si Jennica sa mga artista abala sa teleserye, pelikula at maging sa pagiging host. Labis niya umano itong pinagpapasalamat gayung mas maayos niyang naitataguyod ang mga anak at nakapagbibigay din umano siya sa kanyang ina kahit alam niyang hindi naman ito nanghihingi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: