Ivana Alawi, ipinasilip ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bagong bahay sa Batangas

Ivana Alawi, ipinasilip ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bagong bahay sa Batangas

- Ipinasilip ni Ivana Alawi ang nabili niyang lupa na pagtatayuan ng kanyang bahay sa Batangas

- Ito ang magiging rest house nila at retirement house na rin ng kanyang pamilya

- Aprub naman ito sa kanyang Mama Alawi na noo'y nagdiriwang din ng kanyang kaarawan nang bisitahin nila ang lugar

- Isa lamang umano ito sa mga investments ni Ivana na kanyang naisipang bilhin at ipundar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masayang ibinahagi ni Ivana Alawi ang nabili niyang lupa na pagtitirikan ng kanyang magiging bagong bahay sa Tanauan, Batangas partikular sa Taal lake Golf and country club.

Ivana Alawi, ipinasilip ang lugar kung saan itatayo ang kanyang bagong bahay sa Batangas
Alawi family (Ivana Alawi Facebook)
Source: Facebook

Sa kanyang pinakabagong vlog, kung saan ipinakita rin nila ang birthday celebration ng kanilang Mama Alawi, ipinasilip ni Ivana ang malawak na lupain na isa lamang sa kanyang napiling investments.

Read also

Melai Cantiveros, binahagi ang nakakaaliw na pag-uusap nina Mela at Jason

"Nakabili tayo ng house dito pero ngayon lupa pa lang siya so sisilipin natin," anunsyo ni Ivana.

"Kaya ako nag-invest dito para sa family house namin it's because malapit lang. And para kang nasa ibang mundo agad," paliwanag ni Ivana. Aprubado naman ito ng kanyang Mama Alawi lalo na at nilinaw ni Ivana na hindi lamang sa kanya ito kundi para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ang kanila umanong bahay pahingahan at magsisilbing retirement house ng kanilang pamilya.

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel ni Ivana Alawi:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.6 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Read also

Leren Mae Bautista kay Ricci Rivero: “Wag ka maglaba, ako na"

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating kapos-palad.

Kamakailan lang, na-prank muli ni Ivana si Mona bago niya ito bigyan bonggang surpresa. Talagang naiyak si Mona sa pag-aakalang totoong may nakainitan ng ulo ang kanyang ate sa away trapiko na set-up lamang. Matapos ito, ibinigay ni Ivana ang regalong kotse kay Mona na nagdiwang ng kanyang 19th birthday noong August 19.

Isa rin sa kinatuwa ngayon ng fans ni Ivana ay ang pagkakasama nito ngayon sa cast ng Batang Quiapo. Gumulantang sa publiko ang kanyang paglabas sa naturang serye bilang si Bubbles.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel