Vilma Santos, hanga kay Jessy Mendiola: "I really salute her"

Vilma Santos, hanga kay Jessy Mendiola: "I really salute her"

- Aminado si Vilma Santos na hanga umano siya kay Jessy Mendiola

- Ito ay pagdating sa pag-aalaga nito sa kanyang pamilya lalo na kay Baby Rosie na tinatawag din nilang Baby Peanut

- Saksi umano si Ate Vi sa kung gaano ka-hands on si Jessy sa anak nito

- Maging sa pag-aalaga rin umano nito kay Luis kaya naman nasabi ni Ate Vi na masuwerte siya sa kanyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ng nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos kung gaano siya ka-saludo sa kanyang manugang na si Jessy Mendiola.

Vilma Santos
Vilma Santos (@rosavilmasantosrecto)
Source: Instagram

Sa eksklusibong panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nasabi ni Ate Vi na saksi umano siya sa pagiging hands on mom ni Jessy sa kanilang "Baby Peanut" at pagiging maalagang asawa kay Luis Manzano.

Read also

Vilma Santos, labis ang pagkagiliw sa apo: "Lalo na sa personal, ang ganda-ganda niya"

"Saludo ako kay Jessy. Kasi ako, kasama ko, nasa bahay sila every Sunday. Nakikita ko kung paano talaga ka-hands on si Jessy sa baby niya, kay Peanut. And for that, I really salute her kasi iba yung touch ng isang nanay eh kaysa nasa yaya. And nakita ko 'yun kay Jessy."
"Kaya lalo kong namamahal si Jessy and then nakikita ko inaalagaan niya yung anak ko si Lucky. Namamahal ko si Jess kasi para ko na rin siyang anak. Kaya I'm really really thankful. So far, sabi ko napakakomportable ko sa pamilya ko"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ate Vi mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Vilma Santos Recto ay isa sa mga batikan at respetadong aktres sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang "Star For All Seasons" sa showbiz. Si Vilma ang ina ng kilalang aktor at TV host na si Luis Manzano. Ikinasal si Vilma kay dating senator at ngayo'y Deputy Speaker of the House of Representatives of the Philippines na si Ralph Recto noong 1992. Nabiyayaan sila ng isang anak na si Ryan. Pinasok din ni Vilma ang mundo ng public service sa lugar nila sa Batangas.

Read also

Vilma sa noo'y kinasangkutang isyu ni Luis: "'Yung mga bumiktima sa kanya, tinuring kong mga anak"

Samantala, labis ang kasiyahan ni Vilma nang mabiyayaan na rin siya ng apo na si Baby Peanut, ang anak nina Luis at Jessy Mendiola. Madalas niyang maibida ang apo lalo na kapag kanila itong nakakasama.

Sa ngayon, excited ang mga Vilmanian sa bagong pelikula ng kanilang idolo na "When I met you in Japan." Ito ay isang Metro Manila Film Festival entry kung saan makakasama niya si Christopher De Leon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel