Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak

Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak

- Nag-post si Mickey Ablan ng kanyang saloobin sa paggunita ng unang buwan na pumanaw ang kanyang anak na si Yzabel Ablan

- Inilarawan niya bilang 'Bitter Sweet Day' ang pagkawala ng anak na siya namang pagkasilang ng kanyang bunsong anak na si Michael Zab Leon

- Sa kabila nito ay inihayag pa rin niya ang pananalig at tiwala sa Panginoon

- Sa kanyang post ay binahagi niya ang picture ng kanyang mga anak na sina Yzabel at Michael

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bitter Sweet Day— ganito inilarawan ni Mickey Ablan ang araw ng paggunita nila ng unang buwan ng pagpanaw ng anak niya si Yzabel Ablan. Kasabay kasi nito ay pinagdiriwang din nila ang unang buwan ng pagkasilang naman ng anak nilang si Michael Zab Leon.

Read also

Heart Evangelista kay Liza Soberano: "The spotlight is on you for everyone to see"

Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak
Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak
Source: Facebook

Nanatili ang kanyang pananalig at tiwala sa Panginoon. Inihayag niya ang pagmamahal sa kanyang mga anak.

Bitter Sweet Day 1st Month @yzaablan joined our Creator GOD also Michael Zab Leon's 1st Birth Month Day. GOD Moves in Mysterious ways. Just Trust and Have Faith☝️ I Love you Yza and Leon Zab

Kalakip ng mensahe niyang ito ay binahagi niya ang picture nina Yzabel at ng bunsong anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak
Mickey Ablan, ginunita ang isang buwan na pagkawala ni Yzabel at unang buwan ng bunsong anak
Source: Instagram

Kilala si Janna Dominguez sa kanyang role sa "Pepito Manaloto" sa GMA. Ibinahagi ni Janna ang nakakalungkot na balita kaugnay sa pagpanaw ni Yzabel sa pamamagitan ng isang Instagram post. Ibinurol si Izabel sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles City, Pampanga mula Oktubre 8 hanggang 12.

Kamakailan ay ibinahagi ni Iwa Moto ang kanyang paraan kung paano niya kinakaya ang pinagdadaanang kalungkutan. Sa kanyang post sa TikTok ay dinaan niya sa paglalaro ng rubiks cube ang lungkot na nararamdaman. Matatandaang kamakailan ay kabilang si Iwa sa naghayag ng matinding kalungkutan sa balitang pumanaw si Yzabel na naging malapit sa kanya noong karelasyon pa ni Iwa ang ama nito.

Ibinahagi ni Janna ang nakakaantig na picture ng kanyang partner na si Mickey. Nakaupo ito at umiiyak sa harap ng puntod ng anak na si Yzabel. Hindi man makita ang kanyang mukha ay marami sa netizens ang naantig at patuloy na nakikiramay. Si Yzabel ang panganay na anak ni Mickey sa unang karelasyon niya pero naging malapit din si Yzabel kay Janna.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate