Sharon Cuneta, nasasaktan dahil nadadamay ang mga anak sa negativity: "Please, tama na"

Sharon Cuneta, nasasaktan dahil nadadamay ang mga anak sa negativity: "Please, tama na"

- Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang pagbati sa anak na si Miguel sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan

- Sa kanyang post, inihayag ni Sharon ang kanyang pakiusap na tigilan na ang mga hindi magandang mga komento na nakakapanakit sa kanyang pamilya

- Aniya, nasasaktan siya na nadadamay ang kanyang mga anak sa negativity dahil siya ang ina nila

- Binanggit niya rin na proud sa kanya ang pamilya sa kanyang matagumpay na concert kasama si Gabby Concepcion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Sharon Cuneta ang kanyang anak na si Miguel sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan. Kalakip ng kanyang mensahe ay ang pakiusap niya na sana ay tigilan na ang mga hindi magandang mga komento na nakakapanakit sa kanyang pamilya.

Sharon Cuneta, nasasaktan dahil nadadamay ang mga anak sa negativity: "Please, tama na"
Sharon Cuneta, nasasaktan dahil nadadamay ang mga anak sa negativity: "Please, tama na"
Source: Instagram

Ayon kay Sharon, wala sina Frankie at KC pero masaya siyang nakakasama niya ang pamilya sa gitna ng kanyang pagiging abala sa ginanap na concert.

Read also

Antonette Gail, ibinida ang glow up niya matapos ang 5 weeks mula nang magpa-lipo

Missed our Kakie and KC but I am happy to have been able to be with my family between the MOA Arena and Okada Manila shows!

Aniya, para maiwasan ang pagkukumpara ay personal notes na lang ang kanyang magiging pagbati sa mga anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

From now on, to avoid risking all four of my children’s feelings being targeted by trolls, even on their birthdays I will give them all my loving messages not on social media na but in personal notes na lang. To those who find pleasure in hurting the feelings of my family members, please, tama na. Nananahimik kaming lahat and they don’t deserve any negativity.

Binanggit niya rin ang tungkol sa suporta ng pamilya sa kanya sa Dear Heart concert.

Never ko sana nagawa ang shows namin ni Gabby without my husband and kids’ approval. They were the first to congratulate me after MOA! Malawak kasi isip ng pamilya namin sorry naman! Proud sila of me!) (P.P.S. Tanggap ko na habangbuhay hati ang katawan ko kasi naging 2 ang pamilya ko. Pero ako ang nahihiya sa mga anak ko kasi nadadamay sila just because I am their mommy…it hurts me. And pls i am not a ‘mamananggal!’

Read also

Bea Alonzo, makukuha na ang residency card niya sa Spain

Hiling niya na tigilan ang pagsasabong sa kanyang mga anak.

Please, kindly stop making my kids sabong or pinagaaway di naman sila mga manok. Ngek. Peace na please. Pis b widju en olso wid us.)❤️ @kristinaconcepcion @frankiepangilinan @mielpangilinan #terrazamartinez

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Cherie Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw nang pumanaw na ito. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagkawala ng kaibigan.

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate