Cristy, hanga kay Jinkee sa suporta nito kay Manny pagdating kay Emman

Cristy, hanga kay Jinkee sa suporta nito kay Manny pagdating kay Emman

- Napuri umano ni Cristy Fermin si Jinkee Pacquiao dahil sa umano'y pagsuporta nito kay Manny Pacquiao pagdating kay Emman

- Si Emman ay ang isa pa umanong anak ni Manny na tini-train din nito sa boxing

- Ani Cristy, nahanap ni Jinkee sa kanyang puso ang pagtanggap sa anak ni Manny na wala umanong kasalanan sa kanya

- Matatandaang kamakailan ay lumabas ang mga larawan ng dating senador at kanyang anak na si Emman sa training nito sa boxing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga umano si Jinkee Pacquiao ayon kay Cristy Fermin dahil sa ipinakikita nitong suporta sa umano'y love child ni Manny Pacquiao na si Emmanuel Joseph "Emman" Bacosa Pacquiao.

Cristy, hanga kay Jinkee sa suporta nito kay Manny pagdating kay Emman
Jinkee and Manny Pacquiao (@jinkeepacquiao)
Source: Facebook

Matatandaang kamakailan, naging usap-usapan ang paglabas ng larawan ni Emman na kasama ni Manny habang nag-eensayo sa boxing.

Read also

Ogie D sa viral video nina Piolo at Darren: "Wala tayong dapat isipin na masama"

Tila sumusunod din ito sa yapak ng kanyang ama at hindi naman pinagkait ni Manny ang pagkakatoang ma-train ang anak sa kanyang larangan na tinatahak din nito.

Dahil dito, hanga umano si Cristy kay Jinkee na tila suportado ang pagkilala ni Manny sa isa pa nitong anak.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Nahanap niya sa kanyang puso ang pagtanggap sa bata na wala namang kasalanan," saad ni Cristy.

Matatandaang ito rin umano ang nakarating kay Ogie Diaz kung saan isa umanong kaibigan ni Jinkee ang nagsabing suportado talaga nito ang pagsama-sama ni Manny sa anak na si Emman.

"According to my source na kaibigan ni Jinkee, 'yung friend namin ni Jinkee, sinabi daw ni Jinkee kay Manny Pacquiao na go ahead, suportahan mo 'yan kasi anak mo 'yan," ani Ogie.

Si Jinkee Paquiao ang misis ng tinaguriang isa sa mga greatest professional boxers of all time na si Senator Manny Pacquiao.

Read also

Cristy kay Andrea: "'di nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa pamilya ni Ricci"

Kamakailan, naikwento ni Cristy Fermin na mayroon umanong Php200,000 si Jinkee Pacquiao, araw-araw lalo na kung lalabas ito ng bahay. Bukod pa raw umano ito sa check book na dala-dala nito lagi saanman siyang magpunta. Gayundin ang milyong halaga ng OOTD nito na madalas umanong makita sa kanyang mga Instagram post.

Sa kanya ring Showbiz Now Na! channel, naikwento ni Cristy na napuna ng publiko kamakailan si Jinkee sa gitna ng kontrobersiyang kinasangkutan umano ni Senator Manny kung saan pinagbabayad ito ng may katumbas na Php280 million ng Paradigm Sports.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel