Cristy kay Andrea: "'di nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa pamilya ni Ricci"

Cristy kay Andrea: "'di nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa pamilya ni Ricci"

- Napansin umano ni Cristy na tila hindi nagkaroon ng pagkakataong mapalapit si Andrea sa pamilya ni Ricci Rivero

- Naikumpara niya ito sa post ng ama ni Ricci kamakailan, kasama ang bagong nobya ng anak na si Leren Mae Bautista

- Sinasabing maging ang mga magulang ni Ricci ay dinidepensahan ito sa mga dating naibato 'di umano ni Andrea

- Sa ngayon, madalas mabanggit ni Andrea na ine-enjoy umano niya ang buhay single

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa mainit na usapin ng pag-post 'di umano ng mga magulang ni Ricci Rivero bilang pagdepensa sa kanya, hindi maiiwasang maikumpara ang sitwasyong sa naging dating karelasyon nitong si Andrea Brillantes.

Cristy kay Andrea: "'di nabigyan ng pagkakataong mapalapit sa pamilya ni Ricci"
Ricci Rivero with family (@ruzcko_rivero)
Source: Twitter

Sa bagong episode ng Cristy Ferminute, tila napansin ni Cristy Fermin na hindi nagkaroon 'di umano ng pagkakataong mapalapit si Andrea sa pamilya ni Ricci.

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Ito ay base sa mga post nina Ricci at Andrea noon na madalas ay sila lamang dalawa ang magkasama.

"Naramdaman ko rin ano, na noong magkarelasyon si Blythe at Ricci Rivero, palagay ko hindi siya nagkaroon ng pagkakataong mapalapit sa pamilya ni Ricci noong sila pa, wala naman tayong nababasang ganyan ah. Hindi humahalo yung pamilya ni Ricci," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila to the rescue na ang mga magulang ni Ricci sa kanya sa hanggang ngayong hindi pa rin mamatay-matay na issue sa mga naging pasabog noon ni Andrea

"Pumasok na lamang sila sa senaryo noong masyado nang kinakawawa ang kanilang anak"

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Cristy mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Read also

Bea Borres, nagkonsulta na sa abogado kaugnay sa tweet ni Ricci Rivero

Sa ngayon, tila ine-enjoy ni Andrea ang pagiging single at kamakailan nga ay napuri siya ni Dra. Vicki Belo sa pagiging 'good girl' na umano ni Andrea. Aniya, nakamamangha umano ang independence nito subalit naiiba kapag ito raw ay nai-in love.

Sa naturang vlog di ni Dr. Belo, inamin ni Andrea na minsa'y na-insecure siya dahil tila ba hindi siya sapat sa taong inaakala niyang nakalaan para sa kanya. Gayunpaman, agad naman niyang na-realize na mas marami umano siyang bagay na dapat na ipagpasalamat.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel