Boy Abunda, pinigil ang luha nang magkwento si Kris Aquino sa kanya: "Pero bumigay din siya talaga"

Boy Abunda, pinigil ang luha nang magkwento si Kris Aquino sa kanya: "Pero bumigay din siya talaga"

- Naibahagi ni Kris Aquino na naging madamdamin ang pag-uusap nilang muli ni Boy Abunda

- Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi ni Kris ang ilang pictures nila na magkasama

- Ani Kris, ramdam niyang pinipigil nito ang kanyang luha habang kinukwento niya ang kanyang kalagayan pero bumigay din daw ito

- Naibahagi niyang si Vice Governor Mark Leviste ang nag-video sa kanilang pag-uusap ni Boy na isa sa kilalang malapit na kaibigan ni Kris sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Kris Aquino ng picture nila ng matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda. Ani Kris, sa tatlong oras na naroon si Boy ay ramdam niyang pinipigil nito ang pag-iyak pero bumigay din daw ito.

Boy Abunda, pinigil ang luha nang magkwento si Kris Aquino sa kanya: "Pero bumigay din sya talaga"
Boy Abunda, pinigil ang luha nang magkwento si Kris Aquino sa kanya: "Pero bumigay din sya talaga"
Source: Instagram
Parang the whole 3 hours boy was here he was stopping himself from crying pero bumigay din sya talaga.

Read also

Heart Evangelista, pinusuan ang Instagram post ni Marian Rivera

Humingi din siya ng paumanhin kay Jessica Soho na hindi niya napagbigyan na makapanayam siya. Naibahagi niyang si Vice Governor Mark Leviste ang nag-video sa kanilang pag-uusap

And with my sincerest apology to @km_jessica_soho who is also in town, and had asked if it was possible to give her an interview- it was all impromptu using just my iPhone with @markleviste being our cameraman & bimb asking the questions.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas .

Read also

Bea Borres, nagkonsulta na sa abogado kaugnay sa tweet ni Ricci Rivero

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel