Ray Parks Jr. nang ipag-shopping si Zeinab at mga anak nito: "Ito 'yung kasiyahan ko"

Ray Parks Jr. nang ipag-shopping si Zeinab at mga anak nito: "Ito 'yung kasiyahan ko"

- Agaw-eksena sa bagong vlog ni Zeinab Harake ang pagsa-shopping nila ng nobyong si Ray Parks Jr. sa Japan

- Makikita sa video na hayagang sinabi ni Ray ang pagka-miss nito sa mga anak ni Zeinab

- Ipinamili rin niya ito ng mga pasalubong kaya naman nagbiro si Zeinab na maghihirap na ang nobyo

- Matatandaang napalapit na nang husto ang loob ng mga anak ni Zeinab kay Ray Parks Jr. kung saan Daddy Ray na ang tawag ng mga ito sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang nakapansin sa bagong vlog ni Zeinab Harake kung gaano siya kamahal ng basketbolistang si Ray Parks Jr. gayundin ang kanyang mga anak.

Ray Parks Jr. nang ipag-shopping si Zeinab at mga anak nito: "Ito 'yung kasiyahan ko"
Ray Parks Jr. and Zeinab Harake (Zeinab Harake Facebook)
Source: Instagram

Sa Can't say no challenge ni Zeinab sa nobyo, ang kanya pa ring Daddy Ray ang namili para sa kanya at sa kanyang mga anak.

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Dahil dito, bahagyang nag-alala si Zeinab at biniro si Ray na maghihirap na ito sa dami ng pinamili nito sa kanila.

"Nagtatrabaho ako. Araw-araw ako nahihirapan pero worth it siya sa mga times na ganito,” sagot naman sa kanya ng kanilang 'Daddy Ray.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya hayaan mo na ko, ito na yung kasiyahan ko," dagdag pa nito na lalong nagpakilig kay Zeinab.

Dahil dito, mas lalo itong naging proud sa nobyo at hayagang sinabi kung gaano niya ito kamahal.

"Mahal na mahal ko ’yang taong ’yan, sobra yung paninindigan sa buhay. Lalaking-lalaki,”

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilala na matagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.8 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Read also

Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw sa dance floor

Kamakailan din ay naibahagi ni Zeinab ang masayang pagbisita nilang magkakapatid sa kauna-unahang pagkakataon sa Lebanon. Kasama ang kanilang ama, makikita sa isang vlog ni Zeinab kung gaano sila kasaya na makilala ang sinasabing "kalahati ng kanilang buhay."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica