Zeinab Harake: "Talagang masasabi kong mahal na mahal ko 'yong jowa ko"

Zeinab Harake: "Talagang masasabi kong mahal na mahal ko 'yong jowa ko"

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan nang magpunta siya ng Japan

- Ito ay upang makasama ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na namamalagi doon

- Makikita kung gaano ka-supportive si Zeinab sa nobyo at masasabi niyang unang beses pa lamang niya ito nagawa sa karelasyon

- Matatandaang maging sa mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bia ay malapit na rin ang loob nito sa kanilang Daddy Ray

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Zeinab Harake sa kanyang pinakabagong vlog ang mga kaganapan sa pagbisita niya kay Ray Parks Jr. sa Japan.

Zeinab Harake: "Talagang masasabi kong mahal na mahal ko 'yong jowa ko"
Zeinab Harake and Ray Parks Jr. (Zeinab Harake)
Source: Facebook

Bukod sa bonding at shopping, nanood din si Zeinab ng basketball game ng kanyang 'Daddy Ray.'

At habang hinihintay ni Zeinab si Ray matapos ang game, nasabi niya kung gaano niya ito kamahal.

Read also

Ray Parks Jr. nang ipag-shopping si Zeinab at mga anak nito: "Ito 'yung kasiyahan ko"

"Para akong desperadang nag-aantay sa lalake. Nakakatawa, first time ko tong ginawa sa buong buhay ko. Talagang masasabi kong mahal na mahal ko yong jowa ko," ani Zeinab.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa naturang video rin makikita kung gaano kahalaga kay Ray Parks Jr. ang mga anak ni Zeinab na napalapit na rin ang loob sa kanya.

Ipinamili niya ito mga ipasasalubong at nasabi nitong miss na miss na niya ang mga bata.

Bukod dito, maging si Zeinab ay kanya ring ipinamili kaya naman biniro siya nito bilang isang sugar daddy.

Makailang beses ding nasasabi ni Zeinab kung gaano niya kamahal si Ray Parks Jr.

Lalo na at marami raw itong naituturo sa kanya katulad na lamang ng paglalaba na siya pa umano ang nagturo kay Zeinab.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Zeinab Harake YouTube channel:

Read also

Joel Lamangan bilang si Roda: "Bakit ba kayo natutuwa sa akin, ang sama-sama kong tao?"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilala na matagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.8 million subscribers sa kanyang channel. Siya ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Lucas at Bia.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby ray Parks Jr. ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Kamakailan din ay naibahagi ni Zeinab ang masayang pagbisita nilang magkakapatid sa kauna-unahang pagkakataon sa Lebanon. Kasama ang kanilang ama, makikita sa isang vlog ni Zeinab kung gaano sila kasaya na makilala ang sinasabing "kalahati ng kanilang buhay."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica