PJ Abellana sa espikulasyon tungkol sa gender ni Tom Rodriguez: "Hindi ako naniniwala"

PJ Abellana sa espikulasyon tungkol sa gender ni Tom Rodriguez: "Hindi ako naniniwala"

- Inihayag ni PJ Abellana ang kanyang opinyon at saloobin kaugnay sa ilang espikulasyon tungkol sa hiwalayan ng anak niyang si Carla Abellana at ni Tom Rodriguez

- Kabilang sa mga ito ay ang espikulasyon tungkol sa gender ni Tom na siyang naging dahilan umano ng paghihiwalay nila

- Ani PJ, hindi siya naniniwala dito dahil umabot sa mahigit pitong taon ang relasyon nila at humatong pa sa kasalan

- Sa tingin niya ay hindi aabot sa kasalan ang kung totoo ito dahil imposibleng hindi malalaman ni Carla ang tungkol dito sa tagal ng kanilang relasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi raw naniniwala si PJ Abellana sa espikulasyong ang gender ni Tom Rodriguez ang dahilan ng paghihiwalay nila. Sa panayam ni Morly Alinio kay PJ, isa-isang sinagot ng ama ni Carla ang tungkol sa mga bagay-bagay kaugnay sa paghihiwalay ng mag-asawa.

Read also

Ogie D kay Baron: "Patunayan niya na siya ay totoong nagbago na"

PJ Abellana sa espikulasyon tungkol sa gender ni Tom Rodriguez: "Hindi ako naniniwala"
PJ Abellana sa espikulasyon tungkol sa gender ni Tom Rodriguez: "Hindi ako naniniwala"
Source: Youtube

Ani PJ, imposible umanong hindi napansin ni Carla kung sakali mang totoo ang kaugnay sa espikulasyon sa gender ni Tom.

Nabanggit din daw ni Tom ang tungkol sa isyu kaugnay sa pera. Naloko daw si Tom ng isang kaibigan niya. Gayunpaman aniya kung totoo man ito, hindi malaking dahilan ang pera para magkahiwalay sila.

Sa tingin daw niya ay bumigay lang si Carla sa dami ng naging problema nilang mag-asawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Sa pahayag ni Tom Rodriguez, nasabi niyang pinal na ang nilabas na divorce decree sa kasal nila ni Carla Abellana. Hangad niya umanong matupad ang birthday wish ni Carla na maging masaya na siya. Ayon kay Tom Rodriguez, tanggap niya na rin umano ang desisyon ni Carla kaya panahon na para mag-move forward siya at turuan ang sariling kalimutan ang aktres. Gayunpaman, iginiit niyang hindi niya napagbuhatan ng kamay si Carla.

Read also

Mickey Ablan at Janna Dominguez, umalma sa isang basher

Naibahagi ni Carla na wala na siyang sama ng loob kay Tom. Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda ay naibahagi niyang kahit hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay ay napatawad na niya ito. Aniya, napagtanto niyang kailangan niyang magpatawad dahil siya ang magbibitbit ng sama ng loob. Nabanggit niyang naging sukdulan na ang galit niya kay Tom na humantong sa kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel