Jennica Garcia, naiyak matapos mapag-tripan ng kanyang co-hosts

Jennica Garcia, naiyak matapos mapag-tripan ng kanyang co-hosts

- Napagkatuwaan ng kanyang kasamahan sa It's Your Lucky Day si Jennica Garcia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sa isa sa kanilang segment kung saan nagkamali ng blocking si Jennica, biniro siya ng kanyang kasamahan

- Pumunta sila sa kabilang bahagi at mag-isa lang si Jennica sa dapat ay tamang blocking nila at sinabihan nila si Jennica na iyon daw ang tamang blocking

- Agad naman nilang niyakap si Jennica dahil naging emosyonal ito

Naiyak si Jennica Garcia matapos siyang biruin ng kanyang mga co-hosts kaugnay sa blocking nila kung saan nagkamali siya noong Sabado. Agad naman nilang niyakap si Jennica na tinawag pa ni Luis na kanilang bunso.

Jennica Garcia, naiyak matapos mapag-tripan ng kanyang co-hosts
Jennica Garcia, naiyak matapos mapag-tripan ng kanyang co-hosts
Source: Youtube

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Miss Grace, ibinida ang engagement ring: "Should I say yes?"

Biniro nila si Jennica na kunwari ay nagkamali na naman ito sa kanyang blocking. Nang magsimula ang show ay sinabi ni Jennica na pagsisikapan niyang huwag nang maulit na nag-trending siya aniya sa maling paraan.

Gayunpaman, marami ang lalong naaliw at natuwa kay Jennica dahil sa pagiging sincere nito. Narito ang ilan sa mga komento:

Napagtripan na naman ni Luis si Jennica
To Ms. Jennica halatang kinakabahan ka po pero wag ka mag alala magaling ka. Sa dirty linen nga kayang kayang mo yung character ni Lala kaya sa pagiging host alam ko makakaya mo yan.
Kung sa Showtime, si Anne ang pinagtitripan, sa It's Your Lucky Day si Jennica naman

Si Jennica Garcia ay anak ng aktres na si Jean Garcia. Nang ikasal siya sa aktor na si Alwyn Uytingco, nagpasya si Jennica na iwan muna pansamantala ang showbiz upang matutukan ang kanilang pamilya.

Sa isang Instagram post ay binahagi ni Jennica ang natanggap na mensahe mula sa kanyang amang si Jigo Garcia. Tinatanong nito ang tungkol sa picture na binahagi ni Jennica at kung bakit ganoon daw ang kanyang suot. Kapansin-pansin din na dalawang beses iyong pinadala at mayroong mga naka-caps lock sa natanggap niyang message. Kaya naman, minabuti umano ni Jennica na burahin na lamang ang kanyang picture kahit hindi pa naman siya sinabihang burahin.

Read also

Mickey Ablan sa anak: "I'm so sorry My Baby Girl Yzabel, please forgive Daddy"

Kasunod ng pag-viral ng kanyang post kung saan ibinahagi niya ang message ng kanyang Papa Jigo, marami sa mga netizens ang nag-udyok kay Jennica na ipakita ang mukha ng kanyang ama. Kaya naman, nagbahagi si Jennica ng "Papa reveal" na post sa kanyang social media account. Ibinahagi niya ang aniya'y isa sa pinakapaborito niyang picture ng kanyang Papa Jigo. Wala itong damit pang-itaas at nakakubli sa isang malaking bato kung saan makikita ang under the sea background.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel