Yexel Sebastian at Mikee Agustin, bumiyahe na raw patungong Nagoya, Japan ayon kay Sen. Tulfo
- Nabanggit ni Senator Raffy Tulfo sa senate hearing na pumunta sa Nagoya, Japan ang magkarelasyong Yexel Sebastian at Mikee Agustin
- Ayon kay Sen. Tulfo, may kakilala siya na nagsabi sa kanya na nakasabay nila ang dalawa sa eroplano
- Tinanong ni Sen. Tulfo kung may paraan daw ba na mapigilan na makabiyahe ang mga ganitong tao na kalat na kalat na may reklamo laban sa kanila
- Kamakailan lang ay dumulog sa programa ni Sen. Tulfo ang mga nagpakilalang mga biktima raw ng investment scam nina Yexel at Mikee
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sinabi ni Senator Raffy Tulfo na bumiyahe na papuntang Nagoya, Japan ang magkasintahang Yexel Sebastian at Mikee Agustin. Ito ay sa gitna ng mga reklamo sa kanila kaugnay sa sinasabing investment scam.
Sa senate hearing, tinanong ni Sen. Tulfo kung may paraan daw ba na mapigilan na makabiyahe ang mga ganitong tao na kalat na kalat na may reklamo laban sa kanila. Aniya, bukod ito sa hold departure order mula sa korte.
Ayon kay Secretary Remulla, ang tanging magagawa ng DOJ ay lookout bulletin at wala silang magagawa kundi igalang ang kanilang right to travel.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Mikee Agustin naman ay naging bahagi ng Girltrends na all-girl group na sumikat sa noontime show na It's Showtime. Si Yexel Sebastian ay isa sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Nakilala rin siya sa toy community dahil sa mga mamahalin at kakaibang laruan na pagma-may-ari niya.
Dumulog na ang ilang sa mga sinasabing na-scam nina Yexel at partner nitong si Mikee sa programa ni Senator Raffy Tulfo. Ayon sa mga complainant napa-pirma umano sila sa Certificate of loan sa inaakala nilang investment. Milyon-milyong pera ang nailabas na karamihan ay mga followers at subscribers nina Yexel na mga OFW. Nagbigay din ng pahayag si Yexel na nakontak ng programa ni Tulfo subalit hindi ito tinanggap ng mga nagrereklamo.
Pinayuhan ni Ogie Diaz ang kontrobersyal ngayong YouTuber na si Yexel. Gumawa ng ingay kamakailan si Yexel dahil umano sa investment scam na kinasasangkutan nito. Hindi rin daw ito nakikipag-usap sa investors niya na karamihan ay pawang mga subscribers at followers pa niya. Samantala, kamakailan lamang ay dumulog na sa programa ni Senator Raffy Tulfo ang mga complainant laban kay Yexel.
Source: KAMI.com.gh