Luis Manzano, ibinida ang reaksiyon ng anak nang sabihan niya ng 'I love you'
- Kinaaliwan ang post ni Luis Manzano kung saan makikita ang kanyang mag-inang sina Jessy Mendiola at Rosie
- Maririnig sa video ang pagsasabi ni Luis kay Rosie ng 'I love you' at tuwang-tuwa naman si Rosie
- Ani Luis, ang rough translation daw ng reaksiyon na ito ni Peanut ay 'I love you too Mama and Papa'
- Marami sa mga netizens ang nagkomento tungkol sa kung gaano nakakaaliw ang kanilang anak ni Jessy
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ibinida ni Luis Manzano ang nakakaaliw na reaksiyon ni Rosie sa kanyang pagsasabi ng 'I love you' sa anak. Makikita sa video ni Luis na hawak ng kanyang asawang si Jessy Mendiola si Rosie.
Sa caption ng kanyang post ay sinabi ni Luis na ang rough translation daw ng reaksiyon na ito ni Peanut ay 'I love you too Mama and Papa.' Makikita sa video na tuwang-tuwa si Peanut tuwing sasabihin ng kanyang papa na mahal siya nito.
Marami rin ang nakapansin sa kagandahan ni Jessy kahit hindi ito nakaayos. Narito ang ilan sa mga komento:
Ang ganda naman ng magmommy cute cute nmn ni baby Peanut.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nakakatuwa ang baby masayahin kagaya ng Papa nya, kasing cute ng Mommy nya
So cute lumalaki na siya agad bilis panahon grabe enjoy pagka baby niya time so fast at kamukha ng Lola V niya
Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.
Kinaaliwan ang komento ni Luis sa Instagram post kamakailan ni Alex Gonzaga. Nakiuso siya sa AI generated na Yearbook pictures na aniya ay nagkakahalaga lamang ng 299 pesos. Hirit ni Luis, lahat daw ng picture nito ay halatang nagongopya lang sa katabi. Sagot naman ni Alex, si Luis daw walang picture kasi nag-cutting classes daw ito nung panahong nag-picture ang kanilang klase.
Usap-usapan kamakailan si Sandara Park sa kanyang guesting sa video na binahagi ni Luis Manzano. Naitanong ni Luis kay Sandara kung bakit siya nasa Pilipinas nang mag-guest siya sa "It's Showtime." Ani Sandara, nag-guest siya sa concert ng isang kaibigan niya na miyembro ng KPop group na Got7. Natanong ni Luis kung bakit wala naman nag-guest sa kanya sa mga concert nila na sinagot ni Sandara nang diretsahan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh