Ogie Diaz, napamura at napapalakpak sa husay ni Kathryn Bernardo sa "A Very Good Girl"

Ogie Diaz, napamura at napapalakpak sa husay ni Kathryn Bernardo sa "A Very Good Girl"

- Napamura at napapalakpak si Ogie Diaz sa husay ng pag-arte ni Kathryn Bernardo sa pelikulang "A Very Good Girl"

- Napuri nang husto ni Ogie si Kathryn gayundin si Dolly De Leon tulad ng iba pang mga nakapanood sa pelikula

- Matatandaang marami na ang nakapansin ng husay ni Kathryn gayundin ni Dolly sa naturang pelikula

- Naging usap-usapan din ang shooting nito, kung saan nakita si Kathryn na umano'y may hawak ng e-cigarette bagay na kailangan lamang umano sa pelikula

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminadong bumilib si Ogie Diaz sa husay ng pag-arte ni Kathryn Bernardo at Dolly De Leon sa pelikula nilang A Very Good Girl.

Ogie Diaz, napamura at napapalakpak sa husay ni Kathryn Bernardo sa A Very Good Girl
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Naipangako raw niya kasi sa dalawa na papanoorin ito at nang kanya ngang mapanood ang naturang proyekto, napahanga siya sa galing ng dalawa.

Read also

LJ Reyes, ikinasal na umano sa non-showbiz partner na si Philip Evangelista

"Napanood ko na 'yung A Very good girl. Bilang pangako ko kay Kathryn at kay Dolly De Leon. Apakahusay nitong dalawa. P**y*** ang aktingan ng mga ito. Mahusay si Kathryn, wa-echos ah, ang husay... In fairness," ani Ogie na napapalakpak pa talaga matapos itong sabihin.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Samantala, maging si Ogie Diaz ay napuri si Kathryn Bernardo at ka-love team nito at real-life sweetheart na si Daniel Padilla. Ito ay dahil sa magkahiwalay na proyektong gagawin ng dalawa. Si Kathryn ang magiging bahagi ng pelikulang A Very good Girl. Habang si Daniel Padilla naman ay may nakalatag din na dalawang pelikulang gagawin. Ito ay ang 'Nang mapagod si Kamatayan' kung saan makakasama niya si Zanjoe Marudo at ang psychological suspense thriller na 'The Guest' kasama si John Arcilla.

Isa rin umano si Ogie Diaz sa dumipensa kay Kathryn matapos na kumalat ang video na kuha sa shoot ng "A Very Good Girl" kung saan kasama nito si Dolly De Leon. Tulad ng nasabi rin ng Guldbagge Award for Best Actress in a Supporting Role nominee, sinabi ni Ogie na sakaling totoong nagvi-vape si Kathryn, normal lang ito at di na kailangan pang gawing big deal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel