Toni Fowler: "Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko"

Toni Fowler: "Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko"

- Ayon kay Toni Fowler, handa siyang harapin ang kasong isinampa sa kanya

- Sa kanyang vlog ay nabanggit ni Toni na sa dami ng kanyang pinagdaanan ay hindi niya kilala ang salitang 'pagsuko'

- Aniya, sakaling magtagumpay siya sa kinakaharap na laban ay sinabi niyang merong freedom of expression sa Pilipinas

- Kapag hindi naman daw ay baka hindi pa talaga handa ang Pilipinas para sa isang Toni Fowler

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Toni Fowler, natural lang ang mga consequences kapag nakikilala lalo na sa paraan na ginawa niya kung paano siya makilala. Aniya, haharapin niya kung anuman ang pagsubok na darating sa kanya.

Toni Fowler: "Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko"
Toni Fowler: "Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko"
Source: Youtube

Ani Toni, naiintindihan niyang kaakibat ng pagsikat niya ang mga consequences lalo na sa kanyang pagpapakatotoo.

Ganun talaga pag nakikilala ka merong consequences lalo na sa paraan na ginawa ko kung paano ako makilala. Lalo na din kung paano ako bilang ako na nagpapakatotoo. Lahat naman kasi yan may consequences at naiintindihan ko. Sa part na yan siyempre bilang Mommy Oni, kilala niyo naman ako. Tuloy lang ang buhay. Haharapin ko lahat ng ibabato sa'kin, haharapin ko kung ano man yung mga pagsubok na dumating sa buhay ko. Sa dami kong pinagdaanan hindi ko kilala yung salitang pagsuko. Tuloy lang ang buhay.

Read also

Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya

Dagdag pa ni Toni, sakaling mapagtagumpayan niya nga ito ay meron ngang freedom of expression sa Pilipinas.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kung ano man ang kalabasan, matalo man ako, makulong ako, ano man mangyari sa'kin, ako to. At sana mag set siya as example sa inyo. Kung hindi man, then okay, meron palang kalayaan sa Pilipinas. Meron pala tayong freedom of expression. Again ako bilang si Mommy Oni, kilala niyo naman ako. Wala naman akong laban na inaatrasan.

Maari din daw hindi pa handa ang Pilipinas para sa isang TOni Fowler.

Yet, magbackfire man sa'kin lahat ng ginawa ko, lahat ng yan, then maybe, hindi pa talaga ready ang Pilipinas kay Toni Fowler.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Ogie D kay Rendon Labador: "gusto mo bang hingin yung opinyon ko kung saan ka nagkamali?"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate