Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya

Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya

- Pinakita ni Toni Fowler sa kanyang YouTube vlog ang kanyang naging reaksiyon nang makarating sa kanya ang balitang kinasuhan siya

- Nasa taping siya nang makarating ang balitang ito na ikinabigla niya

- Minabuti niyang kausapin ang anak niyang si Tyronia kaugnay dito upang mapaliwanagan daw niya nang maayos ang anak

- Hindi napigilang maiyak ni Tyronia nang kausapin siya ng ina kaugnay sa posibilidad na makulong siya dahil nakasuhan siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan maiyak ni Tyronia Fowler nang sabihin sa kanya ng kanyang mommy na si Toni Fowler ang tungkol sa balitang nakasuhan siya kaugnay sa kanyang mga music video.

Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya
Tyronia Fowler, naiyak nang ipaalam ni Toni Fowler na nakasuhan siya
Source: Youtube

Minabuti ni Toni na siya mismo ang magsabi kay Tyronia sa pamamagitan ng video call dahil hindi siya kaagad umuwi sa bahay nila.

Read also

Jiro Manio, isa na ngayong co-facilitator sa pinagdalhan sa kanya noon na rehab

Ani Tyronia, bakit parang ang late ng naging reaksiyon nila sa music video ng kanyang mommy.

Pinaliwanag ni Toni kay Tyronia ang tungkol sa posibilidad na maari siyang makulong.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Para kay Tyronia, nalulungkot daw siya at hindi niya ma-isip kung paano ang ToRo family pag wala si Toni.

Sobrang natatakot po ako para po sa ToRo family kasi leader po namin si mommy eh. Hindi ko po makita yung ToRo family na walang Mommy Oni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Vice Ganda at Anne Curtis, kinaaliwan sa kanilang bardagulan sa X

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel