Erik Santos, 'nakipag-away' para kay Angeline Quinto dahil sa prank

Erik Santos, 'nakipag-away' para kay Angeline Quinto dahil sa prank

- Hindi nakaligtas si Erik Santos sa prank ng kaibigan niyang siu Angeline Quinto

- Sa vlog ni Angeline ay isinama niya si Erik sa isang kainan kung saan may kinasabwat siya upang magpanggap bilang masungit na manager ng restaurant

- Tumaas ang boses ni Erik nang aniya'y tila binabastos na si Angeline nang pasigaw silang pagsabihan ng manager

- Agad namang humingi ng dispensa si Erik nang malamang prank lang iyon dahil aniya ay ayaw niyang binabastos si Angeline

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang reaksiyon ni Erik Santos sa prank sa kanya ni Angeline Quinto. Sa kanyang vlog ay may kinasabwat si Angeline upang magpanggap bilang masungit na manager ng restaurant.

Erik Santos, nakipag-away para kay Angeline Quinto dahil sa prank
Erik Santos, nakipag-away para kay Angeline Quinto dahil sa prank
Source: Youtube

Nang sawayin sila ng manager dahil sa pagdala ni Angeline ng lutuan sa restaurant ay umalma si Erik dahil aniya hindi dapat pasigaw kung makipag-usap siya sa customer.

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

Nang muli silang sitahin dahil sa ingay ay tila nagalit na si Erik. Kinalaunan ay tumayo na ito at aalis na raw sila. Inamin naman ni Angeline na natakot siya sa naging reaksiyon ng kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa isang vlog ay inamin ni Angeline na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Read also

Maggie Wilson, ibinahagi ang screenshot ng umano'y 'script' na binigay sa influencers

Naibahagi ni Angeline ang video ng kanyang pagprank kay dating Manila Mayor Isko Moreno nang i-guest siya nito sa kanyang online show. Nagkunwari si Angeline na masama ang kanyang pakiramdam at sinimulan niyang ipaalam sa staff ni Yorme na masama ang kanyang pakiramdam. Sa kalagitnaan ng show ay nagkunwari si Angeline na hinimatay siya habang naglalakad na ayon kay Yorme ay talagang ikinataranta niya. Agad umanong pinapatay ni Yorme ang mga cellphone nang makitang natumba si Angge para daw maprotektahan ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate