Ellen Adarna, hindi raw hilig mag house tour: "I consider my house a safe space"

Ellen Adarna, hindi raw hilig mag house tour: "I consider my house a safe space"

- Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na humiling na mag-house tour siya

- Ani Ellen hindi niya hilig na gumawa ng house tour o di kaya ay closet tour

- Gayunpaman aniya, nagawa na rin naman ito ni Derek noon kaya may mga nakakita na ng kanilang bahay na pinagawa ni Derek kahit noong hindi pa sila magkarelasyon

- Dagdag pa ni Ellen, tinuturing niyang kanyang safe space ang bahay nila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Para kay Ellen Adarna, hindi siya yung tipo na mahilig mag-house tour. Aniya, tinuturing niyang safe space ang kanilang bahay kaya hindi ito basta-basta nagpapapasok sa kanyang bahay.

Ellen Adarna, hindi raw hilig mag house tour: "I consider my house a safe space"
Ellen Adarna, hindi raw hilig mag house tour: "I consider my house a safe space"
Source: Instagram

Sa TikTok video ay sinagot ni Ellen ang isang netizen na humiling ng isang house tour. Aniya, may mga nakakita naman daw ng bahay na tinitirhan nila dahil nakapagbahagi na si Derek noon ng house tour nang ipagawa niya ito noong hindi pa sila magkarelasyon.

Read also

Ilang TikTokers, umamin na scripted ang kanilang ginawang video laban kay Maggie Wilson

I consider my house a safe space, my temple. So I protect it. I'm very territorial.

Para daw sa kanya, kailangang makuha muna ang kanyang tiwala bago makapasok sa bahay niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate