Lala Sotto, sinabing maraming tao ang gustong ipakansela ang It's Showtime

Lala Sotto, sinabing maraming tao ang gustong ipakansela ang It's Showtime

- Iginiit ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na maraming tao ang nais ipakansela ang 'It's Showtime'

- Sa ginawang discussion of the proposed budget para sa MTRCB for 2024, muling sinabi ni Lala na hindi siya kasama sa bumoto sa pagsuspinde ng naturang noontime show

- Aniya, naroroon daw siya noong nagbotohan dahil board meeting daw iyon

- Ngayong linggo umano ilalabas ng ahensiya ang kanilang pasya tungkol sa isinumiteng motion for reconsideration kaugnay sa suspension

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni MTRCB chair Lala Sotto nitong Sept. 27 sa ginanap na discussion of the proposed budget para sa MTRCB for 2024 na marami din daw taong gustong ipakansela ang It's Showtime bukod sa mga nagrereklamo sa pinataw na 12-day suspension.

Read also

Cristy Fermin sa 'lubid' joke ni Joey de Leon: "Kailangan din tayong nag-iingat talaga"

Lala Sotto, sinabing maraming tao ang gustong ipakansela ang It's Showtime
Lala Sotto, sinabing maraming tao ang gustong ipakansela ang It's Showtime
Source: Facebook

Marami rin daw ang sumusuporta sa ahensiya at nagsabing dapat ay habaan pa ang ipataw na suspensiyon.

"There are also a lot of people suggesting to cancel the show. We consider other peoples' comments too."That is not the only comment that we receive, saying that a 12-day suspension is too much. There are also a lot [of those] saying that the show should be canceled or that the number of days should be extended."

Muli ay sinabi niyang hindi siya sumali sa pagboto para daw fair pa rin ang pagboto. Aniya, ang pinagbotohan ay ang bilang ng araw ng suspensiyon at hindi kung dapat bang patawan ng suspensiyon o hindi.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"I was physically present because it was a board meeting, but I did not vote, I did not participate,"

Ngayong linggo umano ilalabas ng ahensiya ang kanilang pasya tungkol sa isinumiteng motion for reconsideration kaugnay sa suspension.

Read also

Ogie D sa 'lubid' isyu ni Joey De Leon: "Konting kibot naka-report"

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinakamatagal variety show ng ABS-CBN.

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'. Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation. Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate