Erik Santos, nakagawiang hindi magsalita buong araw bago ang malalaking shows
- Nakagawian na ni Erik Santos na hindi magsalita sa loob ng 24 oras bago ang kanyang show
- Lalo na kung ito ay malaking event tulad ng kanyang concert na gaganapin sa October 6
- Ito ang anniversary concert na itinaon din sa kanyang nalalapit na kaarawan
- Ilan sa mga inaasahang special guests ni Erik ay sina Yeng Constantino at Angeline Quinto
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naikwento ni Erik Santos ang nakagawian na niyang gawin bago ang malalaking event na kanyang kinakantahan.
Sa naging panayam sa kanya para sa YouTube channel ni Ogie Diaz, naibahagi ni Erik ang paghahanda niya bago ang mga singing engagements niya.
"Nakasanaayan ko na na hindi ako nagsasalita the day before the concert. Kasi saming mga singers, kapag malapit na 'yung concert doon kami nagre-rehearse talaga ng maraming vocal rehearsals. So, 'pag ganun batak na batak na 'yung boses ko then iniiwan ko yung one day ipapahinga ko 'yun as much as possible hindi ako nagsasalita feeling ko kasi kinabukasan, the day of the show, parang fresh na fresh yung vocal cords ko. So nakasanayan ko na 'yun especially kapag mga big concerts like this one."
Ang tinutukoy ni Erik ay ang kanyang Milestone concert na gaganapin sa October 6. Ito ay kanyang 20th anniversary celebration na nataon din sa kanyang nalalapit na kaarawan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ngayon pa lang, wala nang pagsidlan si Erik ng kasiyahan dahil ang ilang bahagi ng venue ay sold out na umano ang tickets.
Si Erik Santos ay maituturing na isa sa mga batikang singer ng makabagong henerasyon sa Pilipinas. Siya ang kauna-unahang Grand Champion ng 'Star in a Million Season 1' noong taong 2003. Mula noon, hindi na matatawaran ang dagsa ng kanyang mga shows, sa telebisyon man o sa abroad.
Kamakailan lamang ay sumakabilang buhay ang ama ni Erik Santos, ilang buwan nang pumanaw ang ang kanyang ina. Matatandaang noong Nobyembre 25 ng nakaraang taon, malungkot na inanunsyo ni Erik ang pagpanaw ng ina na si Angelita Santos na nakipaglaban sa lung cancer.
Naidetalye pa ni Erik ang mga kaganapan sa mistulang pamamaalam na niya sa ina sa huling mga sandali nito. Ipinarinig din ni Erik ang mga paboritong kanta ng kanyang ina at paulit-ulit din niyang ipinakinig sa kanyang Nanay Angelita ang 'Amazing Grace.' Pinuno nila umano ang huling oras at sandali nito ng dasal hanggang sa tuluyan na itong malagutan ng hininga.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh