Jason Francisco, kinaaliwan kung paano niya pinipigilan ang pagiging madaldal ni Melai
- Nakasama ni Niana at Ranz Guerrero sa kanilang vlog ang pamilya nina Melai at Jason Francisco
- Kinausap ng magkapatid sina Melai at Jason kung pwede daw ba nilang i-prank sina Mela at Stela
- Pumayag naman ang mag-asawa sa prank na kunwari ay ipapaampon muna nila ang magkapatid sa loob ng 30 araw
- Habang nag-uusap tungkol sa plano ay ilang beses na sinusubukan ni Jason na pigilan ang pagiging madaldal ni Melai at baka raw marinig ng mga bata
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Marami ang naaliw sa vlog nina Niana at Ranz Guerrero kung saan nakasama nila ang pamilya nina Mela at Jason Francisco. Habang nag-uusap tungkol sa gagawing prank ay ilang beses na sinusubukan ni Jason na pigilan ang pagiging madaldal ni Melai at baka raw marinig ng mga bata.
Hindi naman mapigilang matawa ng magkapatid na Niana at Ranz sa mag-asawa.
Sa naturang vlog ay pinagpaalam nina Niana kung pwede daw ba nilang i-prank sina Mela at Stela at pumayag naman ang mag-asawa.
Umalis na muna ang mag-asawa para mapaniwala sina Stela at Mela na ipapaampon sila sa mga Guerrero sa loob ng 30 araw.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi naman naging madali na mapaniwala ang mga anak nina Melai at naisip nilang pina-prank lang sila. Gayunpaman, kinalaunan ay napaisip din ang mga ito kung totoo bang iniwan sila doon ng kanilang mga magulang.
Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.
Isang mensahe ang binahagi kamakailan ni Melai kaugnay sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin. Ang kanyang Uncle Joy umano ang pinakapaborito niyang uncle at habambuhay niyang alalahanin ang kabutihan ng kanyang tiyuhin sa kanya. Aniya, masakit para sa kanya ang pagpanaw ng tiyuhin. Alam niyang hindi magiging madali sa kanya lalo at lagi umano siyang pumupunta sa bahay ng tiyuhin niya tuwing uuwi siya sa kanilang probinsiya.
Samantala, ang mensahe ni Melai para sa kaarawan ng mister na si Jason Francisco ay kanyang binahagi sa kanyang social media account. Marami sa mga followers ng mag-asawa ang natuwa sa mensahe niya kung saan pabiro niyang inilarawan ang mister bilang kanyang "Best Enemy." Agad naman niya itong binawi at sinabing isang mabuting ama si Jason sa kanilang mga anak. Aniya, palagi lang silang mag-iinang nasa tabi ni Jason anuman ang mangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh