Francine, na-prank si Seth: "I think okay lang naman kung aminin natin"

Francine, na-prank si Seth: "I think okay lang naman kung aminin natin"

- Na-prank ni Francine Diaz ang ka-love team na si Seth Fedelin

- Ito ay sa gitna ng panayam sa kanila ni Ogie Diaz kung saan inamin ni Francine na sila na raw umano ni Seth

- Kitang-kita sa mukha ni Seth ang pagtataka na tila hindi alam ang gagawin kung sasang-ayon ba kay Francine

- Mapapanood ang dalawa sa bago nilang proyekto, ang "Fractured" na mapapanood umano sa iWantTV

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Na-prank si Seth Fedelin ng kapareha niyang si Francine Diaz sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz sa YouTube channel nito.

Francine, na-prank si Seth: "I think okay lang naman kung aminin natin"
Francine Diaz and Seth Fedelin (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook

Natanong sila ni Ogie kung ano na nga ba ang real score sa estado ng relasyon ng dalawa.

Doon, agad halos sinagot ni Francine ang tanong at sinabing nanligaw si Seth na sinundan pa ng oo nang tanungin kung sila na ba ng ka-love team.

Read also

Senyora matapos purihin ni Marian Rivera si Kiray: "Dog lover pala talaga si Marian"

Kitang-kita ang reaksyon ni Seth na tila hindi mapakali sa nasabi ni Francine lalo pa nang sabihin nitong nasa '3 months' na ang kanila umanong relasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Hindi maipagkakaila sa camera ang totoong reaction ni Seth na noo'y panay na ang bulong kay Francine.

Si Francine naman, aakalaing nagtatampo at pinahinto na rin umano ang rolling ng camera ng kanilang interview dahil sa nangyayari.

Kaya naman nang sabihing prank lamang ito, lalo pang namula si Seth na patuloy pa rin halos ang pagpapaliwanag.

Nilinaw nilang wala pa rin umanong namamagitan sa kanila dahil iyon ay bilang pagrespeto sa kanilang napagkasunduan gayundin ng kanilang mga magulang.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanila:

Si Seth Fedelin ay isang aktor sa Pilipinas na produkto ng reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala siya nang maging bahagi ng afternoon serye na 'Kadenang Ginto' kung saan kasama niya sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri. Binansagan silang 'Gold Squad.'

Read also

Christian Bables sa nakakakilig na eksena nina Jennica at Argel: "Hanggang jan lang yan"

Sa ngayon, si Francine Diaz na ang kanyang kapareha. Suportado naman sila ng kanilang fans na agad silang nabansagan bilang 'Franseth.' Bida sila sa proyektong 'Fractured' na mapapanood sa iWantTV.

Samantala, pinakaaabangan naman linggo-linggo ang mga itinatampok ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz inspires kung saan nakakapanayam niya ang iba't ibang mga kilalang personalidad. Gayundin ang kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kung saan naman mapapanood ang mga latest chika tungkol sa mga artista sa bansa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel