Aira Bermudez sa isyu ni Izzy at anak niya: "Sana na lang, nag-usap sila"
- Nagbahagi ng kanyang saloobin si Aira Bermudez at Sugar Mercado kaugnay sa isyu ng mag-inang Izyy at Andrei Trazona
- Ayon kay Aira, naiintindihan niya ang kanyang dating kasamahan na si Aira bilang ina
- Gayunpaman, aniya ay sana ay nag-usap na lamang sila para hindi napag-usapan ang isyu ng ibang tao
- Sina Aira at Sugar ay dating mga kasamahan ni Izzy sa kanilang all-female froup na sumikat dati sa Eat Bulaga
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Para kay Aira Bermudez, naiintindihan niya raw si Izzy sa paninidigan nito sa kanyang paniniwala. Sinabi niya rin sa panayam ni Boy Abunda na sana ay nag-usap na lang sila at hindi na dinala pa sa social media.

Source: Instagram
Aniya, ang kanyang kumare ay pinaglalaban ang faith niya sa Panginoon at dapat ay igalang iyon.
"Kasi 'yan si Izzy kumare ko 'yan, mahal ko 'yan. Meron siyang pinaninindigan at pinaniniwalaan. 'Yung faith niya kay God, kailangan nating irespeto 'yun at 'yung gustong mangyari ng anak niya kailangan din nating irespeto, 'yun naman ang laging tinuturo sa atin."
Gayunpaman, aniya ay sana'y mas napag-isipan nila muna yung kanilang ibinahagi sa social media at nag-usap muna.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Pero sana 'yun lang, pagdating sa problema ng pamilya, 'yung sinasabi natin palagi, when it comes to social media, 'Think hard before you click,' kasi 'yung personal na buhay natin hindi naman nila gustong malaman 'yun. Sana na lang, nag-usap sila, hindi sa social media."
Matatandaang naging usap-usapan ang mag-ina matapos ang post nila patungkol sa isa't-isa kamakailan.
Si Izzy Trazona ay isa sa pinakaunang miyembro ng girl group na sexbomb na unang sumikat sa noontime show na Eat Bulaga. Ilan sa mga TV shows na kanyang kinabilangan ay Daisy Siete (2003), Ilumina (2010) at Bakit Papa? (2002).
Bilang dating miyembro ng sikat na girl group na Sexbomb, madalas pa rin magbahagi si Izzy ang kanyang mga videos kung saan sumasayaw siya. Sa kanyang Instagram post ay inunahan niya na ang kanyang Obstetrician-Gynecologist para hindi siya mapagalitan. Nilinaw niyang kuha ang ibinahagi niyang video bago pa niya malamang buntis siya kaya aniya ay huwag sana siyang pagalitan. Sa kanyang ginamit na hashtag, hindi din niya ikinailang nami-miss niya na ang pagsasayaw.
Nag-post si Izzy ng family picture nila kung saan kasama niya ang mister. Kasama niya rin ang kanilang apat na anak ng asawa niyang si Alvin Aragon. Kamakailan ay nag-post din si Izzy ng mensahe para sa mga natatanggap na message at prayers sa gitna ng pinagdadaanan niya. Aniya, siya ay amazingly at peace dahil alam niyang naroroon ang Panginoon para sa kanya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh