Lovely Abella, nanghinayang kaya pinainom sa asawa ang gatas na na-pump niya
- Aminado si Lovely Abella na masakit para sa kanya na konti lang ang gatas na nabibigay niya para sa anak
- Kaya naman, tuloy lang siya sa pag-pump para dumami na rin ang kanyang gatas
- Aniya, buti na lang at may asawa siyang tagainom ng kaunting gatas na kanyang na pump
- Matatandaang nang ma-ospital si Lovely matapos manganak ay nanawagan sila ng mga donation na gatas para sa anak at marami ang nag-donate ng breastmilk para sa anak nila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inamin ni Lovely Abella na masakit para sa kanya na kaunti lang ang gatas na naibibigay niya para sa anak. Gayunpaman, nanghinayang siya sa kaunting gatas na kanyang na-pump kaya pinainom na lang niya ito sa asawa.

Source: Instagram
Aniya, tinutuloy-tuloy niya ang pag-pump para dumami na ang kanyang gatas. Aniya, mabuti na lang at mayroon siyang asawa na tagaubos ng gatas na na-pump niya para hindi daw ito masayang.
Masakit sa ating mga mommies pag walang napproduce na milk para sa mga anak natin, kaya lahat gagwin at iinumin dumami lang ang milk supply, at nagttry na ako magpump gamit ang Haakaa from @Milk and Honey Ph at konti palang napupump ko buti na lang may asawa akong taga inom para di masayang love you babe @Benj Manal
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Lovely Abella ay unang nakilala bilang isa sa mga nagpa-prank sa Bitoy's Funniest Videos. Ito ang nagbukas ng oportunidad sa kanya para maging isa sa Wowowee dancer. Si Benj Manalo ay anak ng komedyante at TV host na si Jose Manalo. Sa kanilang pag-iisang dibdib ni Benj, tanging ang ina ni Benj ang nakita. May mga naghanap kay Jose sa kasal ng anak ngunit wala silang inilabas na pahayag kaugnay dito.
Sa kanyang Facebook post ay inalala ni Lovely ang mga panahong wala pa silang mga napundar ng kanyang mister na si Benj Manalo. Aniya noong wala pa itong pera, kanin at sabaw lamang ang kanyang kinakain at si Lovely ang pinapakain niya ng manok. Kaya naman, nang mabiyayaan sila ng mas maayos na buhay dahil na rin sa kanilang pagsisikap hindi nila kinakalimutan ang makontento sa kung ano ang meron sila. Pinayuhan niya rin ang mga netizens na huwag mawalan ng pag-asa sa buhay dahil kung sila nga ay kinayang umahon kahit noon ay walang-wala din umano sila.
Samantala binahagi niya din sa kanyang post ang mga pictures nila kasama ang mister na si Benj at mga kapatid nito na kuha sa kolumbaryo kung saan nila inihatid ang abo ng yumaong dating asawa ni Josie Manalo na si Anna Lyn Manalo.
Source: KAMI.com.gh