Yeng, inaming takot bumalik sa nakaraan: "Siguro traumatic po talaga 'yung childhood ko"
- Matapang na inamin ni Yeng Constantino na takot siyang bumalik sa kanilang nakaraan
- Aniya, naranasan niya ang hirap ng pagiging isa umanong mahirap
- Isa na rito umano ang pag-amin na sa murang edad at namroblema na siya sa suliranin ng mga magulang
- Paglilinaw niya, hindi pagiging ungrateful sa mga nangyari noon lalo na at alam niyang ginawa ng lahat ng kanilang mga magulang para maitaguyod sila
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, matapang na inihayag ni Yeng Constantino ang kanyang saloobin patungkol sa kanyang nakaraan.
Bagama't hindi naman na ito mangyayari muli, subalit ganoon na lamang umano ang takot naiYeng na balikan pa ito.
"Siguro traumatic po talaga 'yung childhood na 'yun... Ang hirap maging mahirap, mahirap po talaga. 'Yung naririnig mo 'yung nanay mo na namomroblema. Tapos baon 'yung tatay mo sa utang. Ayaw ko talaga 'nun e. Ayaw kong mangyari 'yun, sa a akin o sa magiging anak ko. Fear ko talaga. Gusto kong maging responsableng adult. Gusto kong makatakas, 'yun yung word e."
Naikwento rin ni Yeng na naranasan niya umanong dayain ang kanyang edad para lang makakanta sa mga gigs sa bar bilang tulong sa kanyang pamilya.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
"Pero hindi naman po ako 'yung parang ungrateful sa mga nangyari, sa mga naranasan ko sa buhay ko 'nung bata ako. Actually grateful ako. May mga part na nakakatakot. Takot hindi galit"
Ngunit hindi umano siya galit sa mga nangyari, takot ang nangingibabaw umano sa kanyang nararamdaman.
"More on fear lang dahil naranasan mong mamroblema para sa magulang mo. Kasi ginawa naman ng magulang ko 'yung lahat ng makakaya nila. Alam ko 'yun e.
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:
Si Yeng Constantino ay isang kilalang singer sa bansa na nakilala matapos niyang manalo at tinanghal na "Grand Star Dreamer" sa Pinoy Dream Academy. Ikinasal siya kay Yan Asuncion noong February 14, 2015 sa isang resort sa Tagaytay, Cavite. Kamakailan ay pinasilip ni Yeng ang kanyang simpleng buhay kasama ang mister sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit isang milyong subscribers.
Kamakailan ay naiulat na pagmamay-ari na ni Yeng ang lahat ng kanyang naisulat na dati'y nasa pamamahala ng Star Magic. Aminado itong naging emosyonal sa pamamaalam sa Star Magic. Nagawa umano niya ito bilang paghahanda sa kanyang kinabukasan at ma-secure ang kanya umanong retirement balang araw.
Ngayon, muli na namang napakikinggan ang awitin ni Yeng na 'Chinito' nang maging TikTok dance challenge ito na may makulit na steps. Ipinagpasalamat ito ni Yeng na pabirong sinabing dumami ang mga bookings niya ng show dahil dito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh