KC Concepcion, puring-puri ang kanyang Mama Sharon: "Bata-bata niyang tingnan"

KC Concepcion, puring-puri ang kanyang Mama Sharon: "Bata-bata niyang tingnan"

- Todo puri ni KC Concepcion ang inang si Sharon Cuneta dahil sa healthy living nito ngayon

- Ani KC batang-batang tingnan ang kanyang Mama Sharon na malaki talaga ang ibinawas ng timbang

- Gustong-gusto din umano ni KC ang ina tuwing ito ay may hawak na mikropono at nagtatanghal sa entablado

- Marami ang umano'y nananabik sa muling pagsasama nina 'Sharon at Gabby' sa nalalapit nitong concert

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Puring-puri ni KC Concepcion ang inang si Shraon Cuneta. Ito ay dahil sa kapansin-pansing pagbaba ng timbang nito dahilan para masabi ni KC na lalong naging bata tingnan ang kanyan ina.

Sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas, doon nailahad ni KC na umano'y bilib siya sa healthy living ng ina.

"Excuse me ang nanay ko nagpa-sèxy talaga. Bata-bata niyang tingnan. Sabi ko pa'no maniniwala ang mga tao na anak niyo ako. She looks so much younger than ever before. Now, kasi nga healthy living, nagpapayat, she's so beautiful,"' ayon kay KC.

Read also

Angel Locsin, nakumusta umano ng source ni Ogie D: "Ayaw niya munang mag-social media"

"Lalo sa concert stage, gandang-ganda ako sa kanya. 'Yun yung favorite version ko ng mommy ko is the concert version. I cannot imagine my mom na walang hawak na mic at hindi kumakanta sa stage. You know, it is really my favorite version of her," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel ng GMA Integrated news

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Mayor Niña Jose sa bashers: "Lahat ng masasabi nyo na masasama sakin, I-consolidate natin"

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica