Bea Alonzo, viral dahil sa paghawak ng cake sa All Out Sundays; umani ng papuri

Bea Alonzo, viral dahil sa paghawak ng cake sa All Out Sundays; umani ng papuri

- Umani ng papuri si Bea Alonzodahil sa paghahawak nito ng cake sa "All Out Sundays"

- Naging usap-usapan ang video clip ng pangyayaring ito at sinabing 'humble' talaga umano si Bea

- Gayunpaman, may ilan ding nagkomento na bakit naging tagahawak na lamang umano ang isang box-office queen

- Samantala, maging si Ogie Diaz ay nagbigay komento sa kontrobersiyang ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging usap-usapan ang All Out Sundays kamakailan lalo na ang pangyayari kung saan nahawakan nang may katagalan ni Bea Alonzo ang cake ni Kyline Alcantara.

Bea Alonzo, viral dahil sa paghawak ng cake sa All Out Sundays; umani rin ng papuri
Bea Alonzo (Bea Alonzo FB)
Source: Facebook

Nagdiwang si Kyline ng kanyang kaarawan sa naturang Sunday show at sa hindi inaasahang pagkakataon, naipasa kay Bea ang kanyang cake.

Agad itong napansin umano ng mga netizens na sinabing 'humble' talaga si Bea sa kabila ng pangalan ay tagumpay na tinamo niya sa showbiz.

Read also

Ogie D, umalma sa producer ng show sa Qatar nina Gigi de Lana, MC at Lassy

Gayunpaman, may ilan namang nagsasabi na bakit hinayaan ng ibang mga kasama ni Bea na maghawak na lamang ng cake ang isang box-office queen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, komento naman ni Ogie Diaz sa Showbiz Update, hindi na sana gawing big deal pa ang isyung ito gayung tila wala namang naging problema kay Bea mismo sa paghahawak niya ng cake.

"Unbothered naman si Bea so, anong pinoproblema ng mga netizens? Bakit kailangang maging big deal e small deal lang yun"

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Bea Alonzo ay isang Filipina actress na nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Read also

Ogie sa nagsasabing buntis si Erich Gonzales: "May asawa naman si Erich"

Naging usap-usapan ang panayam noon ni Mariel Rodriguez kay Bea dahil sa mga naging rebelasyon ng aktres. Isa na rito ay ang naging karelasyon umano niya na halos araw-araw ay binabantayan ang kanyang timbang.

Samantala, July 18 nang kasalukuyang taon nang maganap ang proposal ni Dominic Roque kay Bea Alonzo. Marami ang natuwa sa kanilang nakakakilig na engagement lalo na at marami talaga ang nagnanais na matuloy sa kasalan ang kanilang love story.

Ilang mga post nina Bea at fiancé nitong si Dominic Roque ang nagpapatunay kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Isa na rito ang post ni Bea kung saan hindi napigilang magkomento ni Dominic ng 'ganda naman nito' na nagpakilig hindi lang sa kanilang fans kundi maging sa ibang mga nakakita ng post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel