It's Showtime, pinatawan ng 12 araw na suspension ng MTRCB

It's Showtime, pinatawan ng 12 araw na suspension ng MTRCB

- Pinatawan ang It's Showtime ng 12 araw na suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)

- Dumaan umano ito sa Hearing and Adjudication Committee ng naturang ahensiya

- Inisa-isa ng MTRCB ang dahilan ng kanilang desisyong suspendehin ang It's Showtime sa pamamagitan ng nilabas nilang statement

- Nakalagay din sa statement na maaring umapela ang pamunuan ng It's Showtime sa MTRCB sa loob ng labinlimang araw matapos nilang matanggap ang desisyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

12 araw ang suspensiyon na pinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa It's Showtime na inilabas ngayong Lunes, September 4, 2023.

It's Showtime, pinatawan ng 12 araw na suspension ng MTRCB
It's Showtime, pinatawan ng 12 araw na suspension ng MTRCB
Source: Instagram

Ayon sa nilabas nilang pahayag ay nakatanggap ang naturang ahensiya ng mga reklamo laban sa noontime show.

"Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show’s 25 July 2023 episode wherein the program’s hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its segments, “Isip Bata.”

Read also

ABS-CBN sa umano'y suspension ng It's Showtime: "We will submit a motion for reconsideration"

Dumaan umano ito sa Hearing and Adjudication Committee ng naturang ahensiya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"The said case was referred to the MTRCB’s Hearing and Adjudication Committee which heard the case and required the respondents to submit their position papers, following a procedural process."

Maaring umapela ang pamunuan ng It's Showtime sa MTRCB sa loob ng labinlimang (15) araw matapos nilang matanggap ang desisyon.

Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.

Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto, ilang beses na silang nagbigay ng warning sa 'It's Showtime'. Kaugnay umano ito sa mga nagagawang violation ng noontime show. Sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin, nabanggit niyang hindi na raw nila pwedeng palampasin ang violation. Pinaliwanag niya rin ang proseso bago sila nagbaba ng desisyon na ipatawag ang producers ng It's Showtime.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate