100 mangangalakal, nasungkit ang jackpot prize na P2 milyon sa 'Everybody, Sing'

100 mangangalakal, nasungkit ang jackpot prize na P2 milyon sa 'Everybody, Sing'

- Bumuhos ang luha ng 100 na mangangalakal na kalahok sa game show na "Everybody, Sing!"

- Ito ay matapos masungkit ng Songbayanang mangangalakal ang jackpot prize na P2 million

- Nagbahagi si Vice Ganda, ang host ng naturang game show ng kanyang madamdaming mensahe na lalong nakaantig sa mga mangangalakal

- Inihayag niya ang kanyang paghanga at pagsaludo sa paglaban ng patas ng mga mangangalakal kahit gaano kahirap ang buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Vice Ganda ang kanyang paghanga at pagsaludo sa mga mangangalakal na kalahok sa game show na Everybody, Sing! Bumuhos ang luha ng 100 na mangangalakal na kalahok dito matapos nilang mapanalunan ang jackpot prize na P2 million.

100 mangangalakal, nasungkit ang jackpot prize na P2 milyon sa 'Everybody, Sing'
100 mangangalakal, nasungkit ang jackpot prize na P2 milyon sa 'Everybody, Sing'(ABS-CBN Entertainment/YouTube)
Source: Youtube

Nitong Linggo ay nasungkit nga ng grupo ang jackpot prize bukod pa sa P200,000 na kanilang napanalunan noong Sabado. Mag-uuwi sila ng P2,200,000 na paghahatian nila.

Read also

Lester Fowler, pinuri ang bagong kanta ni Toni Fowler: “Bilib ako sayo tol!”

Lalong naiyak ang mga kalahok nang ibahagi ni Vice Ganda ang kanyang mensahe para sa kanila.

Itong araw na ito ay nakatadhana para maging masaya kayong lahat. Itong araw na ito ay nakalaan para tumulo ang luha niyo na ang dahilan ay kasiyahan naman. Sa dinami-dami ng ginagawa niyong paghihirap, patitiis at pagsasakripisyo araw-araw, deserve niyo naman yung oras na nagsasaya na kayo, kumikita pa kayo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate