Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"

Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"

- Ayon kay Vice Ganda, pati siya ay nagulat sa sarili niyang boses tuwing tumutunog ang Shopee notification

- Sa kanyang mensahe sa Twitter ay maraming sumang-ayon sa kanya na mga netizens

- Marami sa kanila ang nagbahagi ng mga nakakaaliw at nakakatawang karanasan nila sa bagong notification ng Shopee

- Matatandaang kamakailan ay naisapubliko na si Vice Ganda ang pinakabagong brand ambassador nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Maging si Vice Ganda ay nagugulat daw sa kanyang boses sa Shopee notification. Ito din ang naging reaksiyon ng marami simula nang maging brand ambassador siya nito.

Enter caption/title
Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"
Vice Ganda nagulat sa kanyang boses sa Shopee notification: "Eskandalosa"
Source: Instagram

Sa kanyang mensahe sa Twitter, binahagi ni Vice Ganda na maging siya ay nagulat sa sarili niyang boses.

Kasunod nito ay may mga netizens na napabahagi na rin ng kanilang karanasan sa bagong notification ng naturing e-commerce app.

Read also

Ogie D, tila may payo kina Vice Ganda: "mas maganda siguro mag-courtesy call sila sa MTRCB"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Narito ang ilan sa mga naging pagbabahagi ng netizens:

Di ko alam kung mahihiya ako sa nangyari sa mrt kanina may katabi akong lola na natutulog sa mrt tapos naka full volume notif ko "SHOP GANERN HMMMMM" nagising yung matanda ma:))) parang gusto ko na lang magtago sa bag ko kanina
Hahaha kaninang lunch break habang tahimik ang office magugulat ka na lang bigla sisigaw ng "Shop Ganern!
Naku Meme, yung friend ko habang nag da drive mag isa papuntang work, biglang may sumigaw sa loob ng sasakyan, gulantang ang lola tapos biglang humalakhak after ma realize na shopee notification

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Lester Fowler, pinuri ang bagong kanta ni Toni Fowler: “Bilib ako sayo tol!”

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel