EJ Laure, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Bugoy Cariño

EJ Laure, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Bugoy Cariño

- Ibinida ni EJ Laure ang kanilang family picture sa kanyang pagbabahagi ng birthday message niya para kay Bugoy Cariño

- Inihayag niya ang kanyang pagmamahal kay Bugoy at aniya ay lagi lang siyang nakasuporta sa aktor

- Pinagdiriwang ni Bugoy ang kanyang ika-21 taong kaarawan ngayong araw, September 3

- Matatandaang unti-unti na ang pagbabalik ni Bugoy sa showbiz at nakatakdang mapanood sa bagong pelikula kasama si Belle Mariano

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni EJ Laure ang kanyang birthday message kay Bugoy Cariño na nagdiriwang ng kanyang ika-21 na kaarawan. Sa mensahe ni EJ, inihayag niya ang pagmamahal at pagsuporta niya kay Bugoy.

EJ Laure, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Bugoy Cariño
EJ Laure, binahagi ang kanyang pagbati sa kaarawan ni Bugoy Cariño /EJ Laure (@ennajielaure)
Source: Instagram
Happy birthday mahal @iambugoycarino03 wish you all the best ✨ andito lang ako to support you! Mahal na mahal ka namin ni @iamscarletcarino enjoy ur day!!

Read also

Ogie D, nakiramay sa naulila ni Mike Enriquez; inalala ang papuring nasabi nito sa kanya

Sa kanyang Instagram stories ay sinagot naman ni Bugoy ang mensaheng ito ni EJ sa pamamagitan ng kanyang pagpapasalamat.

Tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik-showbiz ni Bugoy sa pamamagitan ng kanyang bagong pelikula kung saan kasama niya si Belle Mariano.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bugoy Cariño ay tinanghal na grand winner ng Star Circle Kid Quest, isang talent search sa ABS-CBN. Naging bahagi rin siya ng youth-oriented comedy show na Goin' Bulilit. Kalaunan ay naging miyembro din siya ng all-male group na Hashtags sa noontime show na It's Showtime. Si EJ Laure naman ay isa sa pinakasikat na volleyball player ng University of Santo Tomas Golden Tigresses.

Matatandaang buong tapang na inamin ni Bugoy na unang plano nila sa kanilang anak ng dating volleyball star na si EJ. Dala ng kabataan, naisip daw talaga nilang ipatanggal na lang sana ang nasa sinapupunan ng kanyang girlfriend. Subalit dala ng matinding pagdarasal at pagkausap sa kanyang ama, hindi na ito naipagawa ni Bugoy kay EJ. Ngayon, masayang-masaya silang mag-anak kasama ang tatlong taong gulang na nilang anak na si Scarlet.

Read also

Mark Leviste, nagbahagi ng picture kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla

Sa kabila ng mga pinagdaanan ng dating child star, masasabing unti-unti na raw siyang nakabangon. Matatandaang naging batang ama si Bugoy, dahilan upang mawalan umano siya ng mga proyekto sa showbiz. Subalit ngayon, nabigyan pa niya ng negosyo ang ama at maayos din ang kinikita niya sa pag-FB stream niya ng kanyang laro. Aniya, tila mas malaki pa nga raw ang sinasahod niya ngayon kaysa noong nag-aartista pa siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate