Cristy sa kontrobersyal na mga pahayag ni KC Concepcion: "Marespeto siya talaga"

Cristy sa kontrobersyal na mga pahayag ni KC Concepcion: "Marespeto siya talaga"

- Nagbigay komento sina Cristy Fermin at mga kasama nito sa Showbiz Now Na!

- Ukol sa mga naging pahayag ni KC Concepcion na nag-ugat sa umano'y pag-unfollow nito kina dating senador Kiko Pangilinan at half sister niyang si Kakie

- Ani Cristy, maayos na naipahayag ni KC ang kanyang saloobin sa marespetong paraan

- Subalit kapansin-pansin umano ang dinadala nito sa kabila ng maayos na samahan nito sa magkabilang pamilya ng kanyang mga magulang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa tinalakay nina Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ay ang mga naging pahayag ni KC Concepcion kamakailan.

Cristy sa kontrobersyal na mga pahayag ni KC Concepcion: "Marespeto siya talaga"
KC Concepcion (@kristinaconcepcion)
Source: Instagram

Ito ay matapos umanong mapansin ng publiko na tila nag-unfollow sa isa't isa sina KC at kanyang stepfather na si dating senator Kiko Pangilinan at half sister niyang si Kakie Pangilinan.

Read also

Bugoy Cariño, aminadong pinanghinayangan noong una ang pagkawala ng projects

Sa kabila ng pangyayaring ito, kahanga-hanga raw umano si KC na maayos nailabas ang kanyang saloobin nang walang sinisiraang tao lalong-lalo na ang kanyang mga magulang at mga kapatid.

"Maganda lang po ang pagka-deliver niya. Ang respeto, ang ganda. Pero kapag inukilkil natin kung ano ang ibiga sabihin 'nun, may bitbit yung bata," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang galing-galing niya e. Marespeto siya talaga. Talagang naroon 'yung respeto niya sa kanyang mga kapatid, sa kanyang ina, sa lahat ng taong involved dito sa isyung ito," dagdag pa nito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na!:

Si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion ay isang Filipino actress, singer, dancer, TV host, entrepreneur, socialite at humanitarian. Pinasok din niya ang mundo ng showbiz at bumida siya sa mga pelikulang For The First Time at When I Met U, gayundin sa mga television series tulad ng Lovers in Paris, Huwag Ka Lang Mawawala at Ikaw Lamang. Siya ang anak ng nag-iisang Megastar Sharon Cuneta at ng kilalang aktor na si Gabby Concepcion.

Read also

Ogie D, dinipensahan si Baron Geisler: "They made sure na hindi nakainom si Baron"

Sa naging interview ni Ogie Diaz kay Megastar, nasabi nitong napakabuti ng kanyang anak subalit hindi lamang umano nagkakatugma minsan ang kanilang mga ugali.

Samantala, sa isang episode ng Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez, nabanggit ni Cristy ang kaniya umanong paghanga kay Sharon Cuneta kung paano nito napalaki ng maayos ang anak na si KC na malapit pa rin sa kanyang ama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica