Pambansang Kolokoy, naglabas ng bagong video na pinamagatan niyang 'Buwelta'
- Naglabas si Joel Mondina aka Pambansang Kolokoy ng isang panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta'
- Dito ay sinabi niyang gusto niyang sagutin ang aniya'y kumakalat na balita sa ngayon
- Kabilang sa kanyang mga sinagot sa naturang vlog ay ang paggastos daw niya ng pera ng anak niya
- Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nagbahagi si Joel Mondina o Pambansang Kolokoy ng panibagong video na kanyang pinamagatang 'Buwelta'. Aniya, alam niyang sinabi na niya noon na ang panayam niya kay Ogie Diaz ang huling pagsasalita niya kaugnay sa isyu nila ng kanyang ex.
Kabilang sa sinagot ni PK ay ang akusasyong ginastos niya ang pera ng anak niya.
Idinaan ni PK ang kanyang kasagutan sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kasamahan niya sa Batang Quiapo na si Hap Rice. Inisa-isang binanggit ni PK ang mga binili sa anak kagaya ng Playstation, X-Box at mga bala nito.
Magkano ba ngayon ang playstation? Tapos magkano ang X-box? Tapos magkano yung mga bala? Siguro mga bente or isandaang bala ng X-box o Playstation?
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Bukod dito ay binanggit niya rin ang gastos daw sa shopping ng mga anak.
Aniya sa isang buwan daw ay nakakagastos siya ng 400USD. Ang tinatanggap daw ng anak niya ay 700USD kaya raw kung minsan ay siya ang namumulubi at siya pa raw ang nagdadagdag.
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.
Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh