Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"

- Napa-react si Andrea Brillantes nang maging usap-usapan ang sagot pinakahuli niyang vlog kasama ang mga kaibigan

- Date or pass ang kanilang ginawa at ang isang nakapukaw ng pansin ng netizens ay ang tungkol sa umano'y crush ni Andrea

- Nasabi ng aktres na siya'y single na muli, lalo na at nabanggit niyang sa unang pagpapakilala ng lalaking tinutukoy ay taken pa siya

- Patuloy na gumagawa ng ingay sa social media si Andrea lalo na ngayon na balik telebisyon siya sa seryeng 'Senior High'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbigay komento si Andrea Brillantes sa umano'y naging sagot niya sa pinakahuling vlog kasama ang kanyang mga girl friends.

Andrea Brillantes: "Is my love life or taste in boys really that relevant to this world?"
Andrea Brillantes (@blythe)
Source: Facebook

Patungkol umano sa date or pass ang kanilang video kung saan nagbabanggit ng mga pangalan ng boys at sasabihin nila kung nais nila itong maka-date or pass.

Read also

Ogie Diaz, natutuwa para kay Enrique Gil: "Nagbalik na siya after three years"

Gumawa ng ingay ang naging sagot ni Andrea na nais niya umanong maka-date ang anak ng aktres na si Ina Raymundo.

Ang tinutukoy na ito ay si Jakob Poturnak na minsan na umanong nagpakilala sa kanya subalit taken pa siya nang panahong iyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa naturang video, sinabi ni Andrea na 'single' na umano siya na siyang binigyang reaksyon ng marami.

Laking gulat umano ni Andrea na ang naturang sagot niyang ito ay mabilis na nag-viral at tila sineryoso at minasama pa umano ng ilan.

"Maiiisip ko bang mapapa-article ako or mapapa-news ako? Sinabi ko lang naman na nagugwapuhan ako 'dun sa tao. Ano bang big deal dun?" ang bahagi ng nasabi ni Andrea nang matalakay niya ang naturang isyu sa kanyang TikTok.

"Yes, alam ko artista ako. Kahit ano talaga sabihin ko pwedeng makakuha ng atensyon. Pero like, eto? talaga ba? Ganito kaliit na bagay? Like, is it really that relevant? Like, is my love life or taste in boys really that relevant to this world, Full of problems na nga?," dagdag pa niya.

Read also

Luis Manzano, sumalang sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo

Narito ang kabuuan ng naturang video:

Si Andrea Brillantes ay isang Filipina actress na unang nakilala bilang isang child star at patuloy ang pag-usbong ng career hanggang ngayon. Mas lalo siyang nakilala at napatunayan ang husay sa pag-arte nang gampanan niya ang karakter ni 'Marga' sa sumikat na afternoon teleserye ang “Kadenang Ginto.”

Noong Hunyo, gumulantang sa publiko ang hiwalayan nina Andrea at ang dati nitong karelasyon na basketball player na si Ricci Rivero. Matatandaang naging agaw-eksena pa ang pagtatapat ni Ricci noon kay Andrea na kanyang isinagawa matapos itong manood ng kanyang game.

Matatandaang si Ricci ang unang nagsiwalat na tapos na ang relasyon nila ng 'Kadenang Ginto' star. Sa Interview naman sa kanya ni Boy Abunda, mas lalong nakapagbigay ng detalye si Ricci tungkol sa isyu ng hiwalayan at isa na roon ay ang sinasabi niyang pag 'sleep together' ni Andrea. Ani Cristy, tila hindi maganda umano na nasabi pa ito ni Ricci na hindi lamang nakaapekto sa kanila ni Andrea kundi maging sa kanilang mga magulang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel