Ogie Diaz, natutuwa para kay Enrique Gil: "Nagbalik na siya after three years"

Ogie Diaz, natutuwa para kay Enrique Gil: "Nagbalik na siya after three years"

- Natutuwa umano si Ogie Diaz para kay Enrique Gil na muling nagbabalik pelikula

- Sa kabila ng solo career nito, nagsisimula na umanong magkaroon ng mga proyekto si Enrique

- Matatandaang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, sumusubok na ang kanyang kapareha at real-life girlfriend na si Liza Soberano sa Hollywood

- Ilang taon ding naging patok ang love team nina Enrique at Liza kaya marami lalo na sa kanilang fans ang umaasang makikita muli silang magkasama sa isang proyekto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natutuwa umano si Ogie Diaz para kay Enrique na balik pelikula na muli matapos ang ilang taong pamamahinga nito buhat nang magpandemya.

Ogie Diaz, natutuwa para kay Enrique Gil: "Nagbalik na siya after three years"
Enrique Gil (Enrique Gil FB)
Source: Facebook

Sa bagong episode sa kanyang Showbiz Update channel, isa sa natalakay nila nina Mama Loi at Ate Mrena ay ang tungkol sa pelikula ni Quen na 'I am Big Bird' na kinunan pa umano sa Thailand.

Read also

Ogie Diaz sa tawag ni Dr. Vicki Belo kay Liza Soberano: "Kahit ako, Hope ang tawag ko sa kanya"

"Alam mo, tuwang-tuwa ako kay Quen. Kasi nagbalik na siya after three years. Malay mo maging successful itong kanyang pagso-solo. O 'di magsunod-sunod na. Sundan na niya ng teleserye," ani Ogie.

"Kailangan niyang mag-move on at mag-move forward at 'di ba? At tumuklas din ng kaparehang pwedeng mag-share sila, pwedeng tangkilikin din ng mga fans di ba?" patungkol pa rin sa solo career ni Quen dito sa Pilipinas habang ang kanyang ka-love team at real-life girlfriend umano na si Liza Soberano ay sumusubok na ng kanyang kapalaran sa Hollywood.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Ogie ay natatanong tungkol sa totoong estado ng relasyon ng dati niyang alaga na si Liza at ni Quen subalit hindi na raw siya ang makakapagkumpirma nito

"Hindi ko na talaga alam. Syempre wala naman na tayong balita. Nakiki ano lang naman tayo, nakikisagap-sagap lang naman tayo. Pero hayaan nating sila 'yung umamin. Kung wala na sila or masaya sila na sila pa rin na prinipribado lang nila. Hindi na nila inilalabas," ani Ogie.

Read also

Ogie Diaz, hanga umano kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela

Batayan umano ng mga fans ang pictures na naibabahagi ng dalawa kung saan magkasama pa rin sila. Gayundin ang pag-follow pa rin umano nila sa isa't isa sa kanilang mga social media pages.

Si Enrique Mari Bacay Gil ay isang Filipino actor, dancer, entrepreneur, at commercial model. Siya ang naging ka-love team at real life partner ni Liza Soberano. Sa ngayon, nasa ilalim na siya ng pangangalaga ni Ranvel Rufino at nananatili pa ring Kapamilya si Enrique.

Matatandaang gumawa ng ingay ang LizQuen partikular na si Liza Soberano nang lumabas ang "This is Me" vlog niya na naging hudyat ng kabi-kabilang rebelasyon tungkol sa kanya at sa kanilang love team noon ni Enrique.

Matatandaang, minsang naging kontrobersyal ang pinakahuling interview ni Liza sa isang Korean talk show kung saan nabanggit niya ang tungkol sa mga love teams sa Pilipinas. Kapansin-pansin na hindi niya umano nabanggit na mula siya sa isang love team, at naging boyfriend pa niya umano ang nakapareha.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel