Ogie Diaz sa tawag ni Dr. Vicki Belo kay Liza Soberano: "Kahit ako, Hope ang tawag ko sa kanya"

Ogie Diaz sa tawag ni Dr. Vicki Belo kay Liza Soberano: "Kahit ako, Hope ang tawag ko sa kanya"

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz ukol sa umano'y tawag ni Dra. Vicki Belo kay Liza Soberano

- Sa bago kasing vlog ng celebrity doctor, Hope at hindi Liza ang tawag nito sa aktres

- Inakala tuloy ng marami na maaring Hope na nga ang ginagamit na pangalan ni Liza na bahagi rin naman ng kanyang tunay na pangalan

- Ani Ogie, maging siya ay Hope ang tawag sa dating naging alaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Mama Loi, Dyosah Pockoh at Ogie Diaz ang pinakabagong vlog ni Vicki Belo kung saan "Hope" ang tawag nito kay Liza Soberano.

Ogie Diaz sa tawag ni Dr. Vicki Belo kay Liza Soberano: "Kahit ako, Hope ang tawag ko sa kanya"
Liza Soberano (@hopesoberano)
Source: Instagram

Maging sa title kasi ng mismong vlog ng celebrity doctor ay makikitang 'Hope' ang ginamit nito at hindi na Liza.

Kaya naman marami umano ang nag-akalang tuluyan nang pinalitan ni Liza ang screen name niya at ginawa na itong Hope.

Read also

Ogie Diaz, hanga umano kay Vice Ganda sa hindi pag-iwan sa alagang si Awra Briguela

"E yun naman talaga ang tawag ni doktora kay Liza," ani Ogie. "Sa totoo lang kahit ako, Hope ang tawag ko sa kanya or hopey. Kasi kung close ka sa kanya. 'Yun talaga yung maririnig mo from a friend na close sa kanya," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman pabirong nasabi ni Dyosa Pockoh na Liza na lamang umano ang tawag ni Ogie sa dating alaga gayung hindi na siya ang manager nito.

"Kung Hollywood name, mas maganda ang Liza Soberano. Sa Ig niya Liza Soberano pa rin so feeling ko exclusive lang yun kay Dra. Vicki Belo, sa vlog na 'yun. Pero Liza pa rin ang gagamitin ni Liza."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Liza Soberano na ngayo'y tinatawag din bilang si Hope Soberano ay isang Filipina model at actress na sumusubok ngayon ng kapalaran niya sa Amerika partikular na sa Hollywood. Sampung taon din namayagpag ang kanyang career sa Pilipinas kung saan naging ka-love team niya ang kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Read also

Lovi Poe, pinasilip sa publiko ang kanyang wedding gown fitting

Nang matapos ang kontrata sa dating manager na si Ogie Diaz, naging kontrobersyal ang pagpasok sa bagong yugto ng kanyang showbiz career nang ilibas niya ang kanyang 'This is me' vlog na naglalaman ng mga rebelasyon. Sinundan pa ito ng kabi-kabilang interviews na lalong nagpaigting sa mga bagay-bagay na umano'y naisiwalat ni Liza.

Kamakailan, naharap sa kontrobersya ang sinasabing bagong manager umano ni Liza na si Jeffrey Oh ng Careless PH. Minsan nang napabalitang dinakip umano ito sa opisina nila sa Makati at minsan nang naibahagi sa Cristy Ferminute ang video ng pagkakadakip sa CEO ng management na kinabibilangan ni Liza Soberano.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel