Kristel Fulgar, ibinida ang bagong 'oppa' sa kanyang vlog

Kristel Fulgar, ibinida ang bagong 'oppa' sa kanyang vlog

- Binahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang bagong vlog ang nakakakilig na pamamasyal nila ng isang Korean na hindi pa niya binabahagi ang pangalan

- Ilang videos at post na niya ang napapansin ng netizens na tila may kasama siyang lalaki ngunit ngayon lamang niya pinakita ang mukha nito

- Sa naturang vlog ay hindi tahasang sinabi ni Kristel kung boyfriend niya ito pero kinakiligan sila ng fans

- Tila nagpahiwatig din si Kristel na manliligaw niya ito dahil sa pamagat ng kanyang vlog

Naibahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang bagong vlog ang nakakakilig na pamamasyal niya kasama ang isang Korean na hindi pa niya pormal na pinakilala. Marami sa fans ni Kristel ang naghayag ng kasayahan nila para kay Kristel.

Kristel Fulgar, ibinida ang bagong 'oppa' sa kanyang vlog
Kristel Fulgar, ibinida ang bagong 'oppa' sa kanyang vlog
Source: Youtube

Makikita sa vlog na masayahin din ang kanyang bagong oppa at ayon sa netizens ay nasasabayan ang pagiging makulit ni Kristel.

Read also

Papi Galang: "Di mo para itakas yung bata panggamot sa sakit mo sa utak"

Tila nagpahiwatig din si Kristel na manliligaw niya ito dahil sa pamagat ng kanyang vlog na My Korean Suitor? (Ludensia + Nami Island).

Narito ang komento ng mga netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bhe inulit ulit ko itong video grabi Yung kilig ko tapos napaiyak Ako dahil sa tuwa para ka Ms Kristel ❤️ Sana Siya na talaga para Sayo Ms Kristel
Bagay kayo importante din yung nakakasabay sya sa kakulitan mo, mukhang may sense of humor din
Im a fan of bigboss and her but they're so cute together, and mukang mabait naman yung suitor niya so yess, ship so happy for you Kristel, goodluck to the both of you

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Read also

Toni Fowler, ibinida ang bonggang dressing room: "Ano kala mo ikaw lang naglilipat ng bahay?"

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang video ng kanyang meeting sa isang Korean Brand na kumuha sa kanya bilang ambassador. Ayon sa kanila, napanood nila ang vlog ni Kristel at nagustuhan nila ang ginawa ni Kristel kung saan pinakita niya na ginagamit niya ang produkto. Naging mabili ito sa kanilang online shops kaya napagpasyahan nilang makipagcollaborate kay Kristel. Pinasalamatan naman ni Kristel ang kanyang mga tagapanood na aniya ay naging dahilan ng bagong oportunidad na ito na dumating sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: