Ryan Bang, emosyonal na nagbigay ng birthday message kay Jhong Hilario

Ryan Bang, emosyonal na nagbigay ng birthday message kay Jhong Hilario

- Naging emosyonal si Ryan Bang sa kanyang pagbibigay ng mensahe para kay Jhong Hilario

- Ito ay sa pagdiriwang kamakailan ni Jhong ng kanyang kaarawan sa "It's Showtime"

- Ani Ryan, malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon na mayroon siyang kaibigan sa katauhan ni Jhong

- Aniya, hindi madali sa kanya bilang isang Koreano na naninirahan sa bansa kaya nagpapasalamat siya sa kanyang iniidolo na si Jhong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emoyonal si Ryan Bang nang magbigay siya ng mensahe para sa kaarawan ni Jhong Hilario. Ani Ryan, malaki ang pasasalamat niya sa Panginoon na mayroon siyang kaibigan sa katauhan ni Jhong.

Ryan Bang, emosyonal na nagbigay ng birthday message kay Jhong Hilario
Ryan Bang, emosyonal na nagbigay ng birthday message kay Jhong Hilario (@ryanbang)
Source: Instagram

Ani Ryan, bilang isang Koreano na naninirahan sa Pilipinas ay nagpapasalamat siya dahil mayroon siyang Kuya Jhong.

Lord, thank you po sa buhay ko na mayroon ako kaibigan at kuya na tulad ni Kuya Jhong.

Read also

Vhong Navarro sa emosyonal na mensahe ni Ryan Bang: "Ano yun mag-syota kayo?"

Hiling daw ni Ryan na malaman ng mga tao kung gaano kabait si Jhong. Hirit niya pa, para sa kanya ay mas gwapo si Jhong kesa kay Leonardo DiCaprio.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dagdag pa niya, tuwing pupunta siya sa bahay nila Jhong ay parang turing sa kanya ay Kapamilya din nila.

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Matatandaang agad na nag-viral ang video sa isang episode ng It's Showtime matapos muling mapag-usapan ang umano'y naudlot na panliligaw ni Ryan kay Yeng Constantino. Nagulat na lang umano si Yeng na bigla na lang tumigil sa panliligaw si Ryan sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Ryan, kinikilig na rin sa kanya noon si Yeng. Inakala niyang wala namang gusto sa kanya si Yeng dahil hindi umano ito sumasama sa kanya tuwing niyayaya niyang lumabas sila para gumimik.

Read also

Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'rumors' sa kanya

Binahagi ni Karylle ang isang video sa Instagram kung saan nagpatulong siya kay Ryan. Ito ay bilang paghahanda sa kanyang pagkanta ng awiting My Universe ng Coldplay at BTS. Marami naman ang nakapansin sa tila pagiging estrikto ni Ryan sa pagtuturo nito kay Karylle. Todo-pasalamat naman si Karylle dahil aniya ay madali siyang natuto dahil sa pagtuturo ni Ryan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate