Pura Luka Vega, idineklara na ring 'persona non grata' sa Maynila

Pura Luka Vega, idineklara na ring 'persona non grata' sa Maynila

- Idineklara na ring persona non grata si Pura Luka Vega sa Maynila mula ngayong Agosto 9

- Unanimous ang naging desisyon sa umano'y resolusyon na ito na inilabas noong Agosto 8

- Nangangahulugang hindi na welcome si Pura sa Maynila dahil sa umano'y nagawa nitong panggagaya sa Black Nazarene at paggamit ng banal na dasal na 'Ama Namin'

- Matatandaang una na siyang naideklarang persona non grata sa General Santos City sa parehong kadahilanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nadagdagan na naman ang lugar kung saan idineklarang persona non grata ang drag performer na si Amadeus Fernando Pagente na mas kilala bilang si Pura Luka Vega.

Pura Luka Vega, idineklara na ring 'persona non grata' sa Maynila
Pura Luka Vega (@puralukavega)
Source: Instagram

Ngayong Agosto 9, inilabas na ang desisyon sa umano'y resolusyon na ito ng Manila City na nangangahulugang hindi na umano welcome si Pura sa lungsod.

Read also

Xander Schimmer, naglalambing nang bumisita sa ina: "I want to talk to you"

Sa ulat ni Diann Ivy C. Calucin ng Inquirer, si Fifth District Councilor Ricardo “Boy” Isip ang naghain umano ng naturang resolusyon na mabilis namang naaprubahan ng kanilang pamunuan.

"Ito pong taong ito ay walang habas at 'di man lang pinag-isipan ang kanyang ginawa. Isang kalapastangan po ang kanyang ginawang palabas. 'Di po dapat itong palagpasin kasi 'pag pinalagpas natin ito, baka maparisan po ito. Kailangan na po nating gumawa ng aksyon," ayon sa konsehal.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ikaapat na ang Maynila sa nagdeklarang persona non grata kay Pura kung saan nauna na ang mga luagar tulad ng General Santos City, Floridablanca at maging sa Toboso sa Negros Occidental.

Ang Drag Party ay isang uri ng social gathering kung saan malaya 'di umano ang mga drag artist na gumaya ng mga kilalang personalidad. Isang halimbawa nga rito ay ang kontrobersyal na panggagaya umano ni Pura Luka Vega na nakadamit na tulad umano ng imahe ni Hesukristo.

Read also

Lie Reposposa at Paul Joshua Marsden, ibinida ang sweet pictures nila sa gitna ng kontrobersiya

Gumawa ng ingay performance na ito ni Pura dahil sa umano'y paggaya niya kay Jesus Christ at nakadagdag pa sa isyu ay ang pag-awit ng 'Ama Namin' na sagradong dasal para sa mga Katoliko.

Isa sa mga umalma sa naturang kontrobersiya ay ang ex-PBB housemate na si Karen Bordador. Nilarawan niyang "looked evil" ang naturang palabas. Katunayan, hindi na raw niya natapos pa ang buong video na kalat na kalat na ngayon sa social media pages. Gayundin si Bataan Rep. Geraldine Roman na bilang kapwa LGBT, pinaalalahanan niya si Pura sa mga bagay na maaring madamay ang kanilang komunidad.

Sa kabila ng mga pambabatikos na ito, patuloy pa rin ginagaya ni Pura ang imahe ng Poong Nazareno. Isa sa mga pinakabagong video na ginawa nito ay ang pag-rate sa ostya o banal na tinapay ng mga Katoliko. Habang ginagawa ito, nakadamit pa rin niya ng imahe ni Kristo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica