Bobby Ray Parks, hindi maitago ang kilig nang sorpresahin ni Zeinab Harake

Bobby Ray Parks, hindi maitago ang kilig nang sorpresahin ni Zeinab Harake

- Pinakita ni Zeinab Harake ang video ng kanyang pagsundo kay Bobby Ray Parks

- Aniya, hindi nito alam na susunduin niya ito dahil ang pagkakaalam daw nito ay nasa trabaho pa siya

- Kaya naman, hindi nito maitago ang saya nang makita si Zeinab na naghihintay sa kanya

- Hirit naman ni Ray, ang ganda ng kanyang driver habang tinutukso naman siya ni Zeinab na kinilig daw ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinaaliwan ang reaksiyon ni Bobby Ray Parks nang makita niyang sinundo pala siya ni Zeinab Harake. Ani Zeinab, hindi nito alam na susunduin niya ito dahil ang pagkakaalam daw nito ay nasa trabaho pa siya.

Bobby Ray Parks, hindi maitago ang kilig nang sorpresahin ni Zeinab Harake
Bobby Ray Parks, hindi maitago ang kilig nang sorpresahin ni Zeinab Harake (@ray1parks)
Source: Instagram

Makikita sa TikTok video ni Zeinab na binaba niya ang bintana ng kotse niya nang mapadaan si Ray at hindi nito maitago ang kanyang kasiyahan.

Read also

Lovi Poe, isinapubliko ang engagement nila ni Monty Blencowe

Hirit naman ni Ray, ang ganda ng kanyang driver habang tinutukso naman siya ni Zeinab na kinilig daw ito.

Narito ang ilang komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Yng tawa ng isang ray Park kilig yarn
Tngal angas ng nag iisang ray parks HAHAHAHAHA Ang sweet
Yung 6'4 tumiklop isang hi lang eh hahaha

Si Zeinab Harake ay isa sa pinakakilalang social media influencer at YouTube content creator sa bansa na mayroong milyon-milyong subscribers. Matatandaang naging kontrobersiyal ang relasyon nila ng rapper na si Skusta Clee. Nabiyayaan sila ng isang anak ngunit tuluyan na silang naghiwalay.

Ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpunta sa concert kamakailan ni Bruno Mars. Aniya, sobrang iniidolo niya si Bruno kaya masayang-masaya siya na makapunta sa concert at aniya ay ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks ang nagbigay ng ticket niya. Pabiro pang sinabi ni Zeinab na sa wakas ay nakahanap daw siya ng sugar daddy dahil lagi na lang daw siya ang sugar mommy. Marami naman ang bumilib kay Ray dahil sa pagiging supportive nito sa pagiging fan girl ni Zeinab.

Read also

Vice Ganda, ibinida ang pagsayaw ng It's Showtime family kahit maulan

Hindi napigilang maiyak ni Zeinab Harake habang nakikinig ng awitin ni Bruno Mars sa concert nito. Ito ang awiting 'Talking to the Moon' na aniya ay kanyang pinakinggan noong panahong malungkot siya. Matatandaang naibahagi ni Zeinab ang tungkol sa pagkawala ng anak niya na pinagbubuntis at tinawag niya ang anak niya na si Moon. Habang naiiyak ay naroroon naman ang boyfriend niyang si Bobby Ray Parks na umalalay lang sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate