Rendon Labador sa MTRCB chair: "Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo?"

Rendon Labador sa MTRCB chair: "Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo?"

- Hinamon ni Rendon Labador ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair na si Lala Sotto

- Aniya, kaya din daw ba niyang ipatawag ang tatay niya matapos lumabas ang isang clip ng paghalik niya sa kanyang asawa sa national TV

- Ani Rendon, dapat ay hindi base sa gender ang pagpapatupad ng batas at dapat ay patas daw

- Binanggit din niya ang aniya'y conflict of interest dahil anak ni Tito Sotto ang MTRCB chair

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

May hamon si Rendon Labador kay Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair na si Lala Sotto. Hinamon niya ito na ipatawag din si Tito Sen matapos ang paglabas ng video clip ng paghalik nito sa asawa niya sa national TV.

Rendon Labador sa MTRCB chair:"Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo?"
Rendon Labador sa MTRCB chair:"Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo?" (@rendonlabadorfitness)
Source: Instagram

Aniya, dapat ay hindi gender-based ang pagpapatupad ng batas.

Read also

Rendon Labador, nagpasalamat sa MTRCB: "Kakampi ninyo ako sa pagtama ng mga mali"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binanggit din ni Rendon ang aniya'y hindi tamang pinakita ni dating Senate President Tito Sotto.

Mawalang galang na po senador. Binoto ka ng taong-bayan. Ano yang pinaggagawa mo sa national TV?

Binanggit din niya ang aniya'y conflict of interest dahil anak ni Tito Sotto ang MTRCB chair.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Giselle Sanchez para sa social media influencer na si Rendon. Inudyukan niya ito na umamin na lamang sa pagkakamaling nagawa kaugnay sa kanyang nasabi laban kina Coco Martin at Michael V. Dagdag pa ni Giselle, kaya siya pina-follow ng kanyang followers dahil namo-motivate niya ang mga ito kaya sana ipakita daw nito sa kanila na meron siyang busilak na puso.

Read also

Elizabeth Oropesa, sinabing hindi na siya Marcos loyalist

Ayon kay Ben Tulfo, silang magkakapatid ay likas na mapagpatawad lalo na kung nararamdaman nila ang sinseredad ng tao sa paghingi ng dispensa. Ani Ben, maayos na pumunta si Rendon sa kanilang tanggapan at nagpakumbaba. Dagdag pa niya, kaya niyang makipagsabayan sa bardagulan at panduduro ngunit marapat lang daw na patawarin ang humingi ng paumanhin. Nilinaw din nila sa Bitag live na hindi nila estilo ang makipag-collab kagaya sa mga espikulasyon matapos i-post ni Rendon ang kanilang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate