It's Showtime, ipinatawag ng MTRCB hinggil sa isang episode nito
- Ipinatatawag ang 'It's Showtime' ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB)
- Ito ay hinggil sa natanggap daw ng MTRCB na reklamo kaugnay sa isang episode ng show
- Ang eksena umanong tinutukoy sa July 25, 2023 episode ay paglabag sa Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986
- Ang pagdinig ay ngayong 31 July 2023, 10 a.m. sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ipinatatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producers ng It's Showtime. Ito ay kaugnay sa episode ng It's Showtime nitong July 25, 2023 na umano'y may paglabag sa Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986.
Sa isa namang pahayag nitong Lunes, Hulyo 31, sinabi ng MTRCB na nagpapakita ng diumano’y “indecent acts” ang ilang eksena nina Vice Ganda at Ion Perez sa naturang episode.
“Said scene is in violation of Section 3 (c) Presidential Decree No. 1986,”
Ang hearing date ay ngayong 31 July 2023, 10 a.m. sa MTRCB Office sa Timog Avenue, Quezon City.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang It's Showtime ay isang noontime show ng ABS-CBN. Sinimulan itong ipalabas noong 24 Oktubre 2009. Sa kasalukuyan, napapanood din ito sa buong mundo sa pamamagitan ng The Filipino Channel at iba pang platforms kagaya ng A2Z at YouTube. Ang programang ito ay ang pinaka-matagal variety show ng ABS-CBN.
Naibahagi din ni Vice Ganda na mismong siya ang nag-request sa ABS-CBN executive na si Cory Vidanes kung pwede daw ba siyang mag-guest sa isang show sa GMA-7. Hindi niya binanggit kung anong show ang tinutukoy niya pero aniya ay gusto talaga niya mag-guest doon kung mabibigyan ng pagkakataon. Aniya, marami din ang nagtatanong at nag-aabang kung makapag-guest daw ba kaya siya sa show na iyon. Ayon naman daw kay Tita Cory ay sasabihin niya sa mga boss at baka magawan ng paraan.
Maging ang mga employees ng GMA-7 ay masayang tinanggap ang paglipat ng It's Showtime sa GTV. Sa isang video na nilabas sa social media ay makikita ang ilang GMA employees na kumakanta ng theme song ng It's Showtime. Ilang Kapuso stars din ang bumisita sa It's Showtime sa unang araw nito sa GTV. Kabilang sina Barbie Forteza, Sanya Lopez, Gabbi Garcia, Christian Bautista, Mark Bautista, Richard Yap, Pokwang, Rayver Cruz, at Rodjun Cruz sa mga guests.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh