Dennis Padilla, nais makausap si Gerald: "Papaalala ko lang sa'yo na 'yang GF mo, anak ko yan"
- Nais umanong makausap ni Dennis Padilla si Gerald Anderson na boyfriend ng kanyang anak na si Julia Barretto
- Ayon kay Dennis, ipaaalala lamang umano niya kay Gerald na siya rin ay magulang ni Juli at hindi si Marjorie lamang
- Pakiramdam din umano niya na tila mahalaga lamang daw kay Gerald na good shot ito kay Marjorie Barretto, ang ina ni Julia
- Nabanggit din ni Dennis na sakaling matuloy sa kasalan ang relasyon nina Gerald at Julia, pupunta siya roon kahit hindi umano siya imbitado
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naglabas ng saloobin si Dennis Padilla sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Isa na rito ang pagnanais niyang makausap si Gerald Anderson na tila marami nang pagkakataong pinalampas para gawin ito.
"Dapat kausapin ako ni Gerald Anderson. Kailangan 'yon. Kung gusto talaga ni Gerald akong kausapin, dapat kinausap na niya ako. E hanggang ngayon hindiy niya ako kinakausap, eh"
Naikwento ni Dennis na nagkasama noon ang kaibigan niyang si Andrew E at si Gerald sa isang event at sinabihan pa raw ng rapper na kausapin ni Gerald si Dennis. Sa kasamaang palad, hindi ito nagawa ni Gerald.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa isang all-star basketball game kung saan naroon ang kapatid ni Dennis na si Gene, binati naman ito ni Dennis at pinayuhan ding puntahan si Dennis na nasa hotel malapit sa kanilang kinaroroonan subalit hindi muli ito nagawa ni Gerald.
Dahil sa mga pagkakataong ito, naisip ni Dennis na tila hindi na mahalaga kay Gerald na siya't makausap pa gayung good shot naman ito sa ina ni Julia na si Marjorie Barretto.
"Siguro mas mahalaga sa kanya na good shot kay Marjorie, Pero sa'kin kahit bad shot siya okay lang. 'Yun ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung totoo 'tong nararamdaman ko pero ito ang nararamdaman ko. Parang okay na ako, good shot na ako kay Marjorie Barreto 'di bale nang bad shot ako kay Dennis Padilla."
"Ako lalake ako. Kung ako may syota at may girlfriend ako, at itong girlfriend ko kaaway yung tatay niya kahit ayaw ng girlfriend ko, kakausapin ko 'yung tatay niya. Baka nga plus point pa nga yun sa girlfriend ko. Bakit mo kinausap tatay ko e kagalit ko 'yun. Hiindi, bilang respteo sa tatay mo kaya ko ginawa 'yun. Baka lalong mapabilib girlfriend mo 'pag ginawa mo 'yun," paliwanag ni Dennis.
"Papaalala ko lang sa'yo na 'yang girlfriend mo, anak ko yan. Hindi lang si Marjorie gumawa diyan," dagdag pa niya.
Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz:
Si Dennis Padilla ay isa sa mga kilalang aktor partikular na ang pagiging komedyante sa bansa. Naging karelasyon niya si Marjorie Barretto, ang ina nina Julia, Claudia at Leon Barretto.
Matatandaang muling naging usap-usapan ang mag-aama matapos mag-post ni Dennis Padilla ng mensahe niya para sa tatlong anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto noong nakaraang taon 2022. Sinabi niya sa mga ito na nakalimutan siyang batiin ng mga anak noong Father's Day. Agad din niyang binura ang kanyang post ngunit marami na ang nakakita nito.
Kinalaunan ay sumagot si Leon sa pamamagitan ng isang open letter. Pinaliwanag niya ang kanyang saloobin at dahilan kung bakit hindi niya nagawang batiin ang ama. Naitanong niya rin dito kung bakit kinakailangang pahiyain ni Dennis ang anak sa publiko.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh